Lahat naman siguro gugustuhing maligtas kapag nalagay sa alanganing sitwasyon. Kaya magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko hiniling na maligtas ulit ni Zavier… kahit pa ako mismo ang naglagay ng sarili sa kapahamakan. Ngunit kahit lagi akong inililigtas ni Zavier, tinanggap ko nang imposibleng mailigtas niya ako sa puntong ito. Kaya naman hindi ako makapaniwala ngayong magkaharap kami, lalo na’t nasa teritoryo kami ng Red Hand Society. Bago ko pa maproseso lahat, naramdaman ko ang bigat ng labi ni Zavier sa ibabaw ng akin; malamig ang kamay na inihawak niya sa bandang leeg at pisngi ko. Unti-unting naglaho ang takot na bumalot sa pagkatao ko. Para bang pagpapatuloy ito ng naudlot naming halik sa basement, tinanggap ko ng buo ang banayad at mariin niyang halik. Sa oras na ‘to,

