Nang matapos si Pietro, basta na lang niyang binitiwan ang metal sa sahig—isang matalim na tunog ang gumapang sa katahimikan ng silid. "I hope that was entertaining enough for every one of you." Walang bahid ng emosyon ang boses ni Pietro, pero ramdam ko ang banta sa likod ng bawat salita niya. "Next time you pull this stunt, it won’t just be your skin that burns." Bumaling ang tingin niya sa direksyon naming mga bagong recruit. "Go back to your rooms. No one comes out without my signal." Nagmadaling lumabas ang mga kasama ko, at kasunod na sana ako nang marinig ko ulit ang boses niya. "Maya. Stay here." Natigilan ako. Napasulyap ang ilang senior members sa ‘kin, pero iniwas ko ang tingin ko. Alam kong dapat lang silang parusahan, pero hindi lang sila ang may kasalanan sa nangyari. P

