24&25

2521 Words
Chapter 24 Pagdating sa bahay ay napalugmok sa kanyang silid si Jansen,wala na si Aimie,alam niyang hindi ito umalis para lamang magpalipas ng sama ng loob dahil dala nito lahat ng kanyang gamit,dumating na nga kinatatakutan ni Jansen,ang tuluyan na siyang iwan ng dalaga. Sinubukan niya itong tawagan ngunit naka off ang cellphone nito.Sinabi ni Jansen sa sarili na tama na,siguro nga ay hanggang doon na lang talaga,napapagod na din ang binata sa panunuyo,naisip niyang sapat na siguro ang oras at pagmamahal na ibinigay niya,hindi na talaga niya kayang palambutin ang puso ni Aimie na kasingtigas ng bato at singlamig ng yelo. Agad namang nakahanap ng bagong apartment si Aimie sa tulong na din ng mga kaibigan,ipinagpatuloy niya ang normal niyang buhay,trabaho bahay,the usual routine na nakasanayan niya. Lumipas ang mga araw,linggo at buwan ng halos hindi namamalayan ng dalaga,isinubsob lamang niya ang sarili sa pagtatrabaho. “Aimie hindi ka ba napapagod,kung magbakasyon ka kaya muna,give your self a break,”ani Yhna habang nagdidinner silang magkakaibigan. “Why?wala naman akong sakit?”tugon ni Aimie. “Puro ka kasi trabaho,swerte na nga at nahatak ka namin ngayon,”sabat naman ni Lane. “Alam nyo naman na nagtayo nako ng sariling law firm kaya naging busy ako,siguro in a few weeks medyo mababawasan na work loads ko,”matamlay na tugon ni Aimie. “By the way I saw Jansen the other day,”ani Yhna na matamang pinagmamasdan ang magiging reaksyon ni Aimie. “Actualy kausap ko sya yesterday,I brought the invitation to his office,and he make sure na aattend pa din sya sa wedding ko,”singit naman ni Lane. “Good for you,”walang emòsyon namang tugon ni Aimie. “Ahm,Aims hindi na kasi ako naghanap ng pamalit sa kanya sa groomsmen,besides he's a friend,I hope you don’t mind,”ani Lane kay Aimie. “No,of course not,its your wedding Lane,”tugon ni Aimie na nakangiti bagamat di naman umabot sa mata ang ngiti nito. “Aims wala na ba talagang pag asa na magkabalikan kayo ni Jansen?”seryosong tanong ni Yhna. “Wala,okey na din yun,mahirap naman matali pa sya saken kahit alam ko namang hindi na sya masaya,I want him to have his own life,”tugon ni Aimie na nakatuon ang tingin sa hawak na tinidor. “But you still love him,”ani Lane. “I don’t know,naguguluhan nako,akala ko sya na,pero ganun talaga eh,hindi pa pala sya,”ani Aimie. “Aims,”ani Lane sabay pisil sa braso ni Aimie. “Its okey,don’t be sad for me guys,sanay na ako ng ganito,mas okey nga siguro mas nakakapagconcentrate ako sa trabaho ko,wala akong kailangan intindihin na ibang tao,”nakangiting tugon ni Aimie at ipinagpatuloy nito ang pagkain na pilit pinasisigla ang kilosNapailing na lang ang mga kaibigan ng dalaga. Nang makauwi sa sariling apartment ay inilapag lang ni Aimie ang dalang bag sa sofa at nagtuloy ito sa minie bar para kumuha ng alak,tulad ng dati,buhat ng maghiwalay sila ni Jansen ay alak na lang ang lagi niyang kadamay,kahit kasi anong pagod niya sa maghapong trabaho ay hindi pa din siya dinadalaw ng antok kahit hatinggabi na siyang umuwi,kailangan pa niyang uminom para makatulog.Dahil ang katotohanan na hindi niya maamin sa mga kaibigan niya,marahil ay maging sa kanya na ding sarili,ay hindi niya maamin na hindi naman sya okey,hanggang ngayon ay nasasaktan pa din siya sa pagkawala ni Jansen sa buhay niya.Hanggang ngayon ay sinisisi pa din niya ang sarili kung bakit siya iniwan ni Jansen,napakatanga nya at napakaduwag,.Mabuti pa ang ibang tao naipaglalaban niya at hinding hindi siya pumapayag na maging talunan lahat ng kasong hinahawakan niya,subalit pagdating sa kaso ng kanyang puso ay isa siyang malaking talunan,hindi man lang niya naipaglaban ang pagmamahal niya kay Jansen. “s**t,bakit ko naman ipaglalaban eh umayaw na nga,napagod na,”ani Aimie sa sarili. Samantala si Jansen naman ay napapabuntong hininga sa loob ng sasakyan,ganito na naman siya,nakamasid sa malayo sa tapat ng gusali ng apartment ng dalaga.Hanggang ngayon ay hindi pa din niya matiis na hindi ito makita at masubaybayan,araw araw ay naka abang siya sa labas ng building,kapag nakita na niya itong umalis ay susundan niya ito hanggang makapasok sa opisina at gayun din sa hapon,susundan niya ito hanggang sa makauwi ng bahay. “Muka na naman akong tanga,”bulong ni Jansen sa sarili sabay buntong hininga.Bagamat sinabi ng binata sa sarili na kakalimutan na niya si Aimie ay hindi naman niya ito magawa,kahit anong iwas ang gawin ay lalo lamang siyang nasasabik na makita ito,pero hanggang doon na lang ang kaya niyang gawin sa ngayon,nakikita naman niyang ayos lang ito at kuntentong nabubuhay ng mag isa,hindi na lamang niya ito gagambalain,marahil ay lilipas din ang nararamdaman niya,mapapagod at magsasawa din siya sa kasusunod dito. “Lane napatawag ka?may problema ba?”tugon ni Aimie sa kabilang linya. “Wala naman,I just want to remind you this coming week end baka naman hindi mo siputin bridal shower ko,ay nako talaga Aimie!,”ani Lane. “Of course!dont worry I'll be there,”tugon naman ni Aimie “Ay nako,Im sure kundi ako tumawag dimo maaalala,kilala kita Aims,”natatawang sabi ni Lane. “Grabe ka sa akin Lane,syempre naman diko makakalimutan yun,excited na nga ako,”ani Aimie bagamat tama naman ang kaibigan,nawala na talaga sa isip niya ito. “Ou na nga,sige na kahit alam ko namang tama ako,by the way yung gown mo pinahatid ko na sa apartment mo ha,”natatawa namang sabi ni Lane. “Okey sige daanan ko sa lobby pag uwi ko later,by Lane,”pagtatapos naman ni Aimie sa usapan nila. “Sandy pakiclear schedule ko starting Thursday afternoon,”ani Aimie sa sekretarya niya,yes,may secretary na ulit si Aimie,pamangkin ito ni Yhna kayat alam niyang mapagkakatiwalaan ito,isa pay gusto talaga nitong magtrabaho sa kanya bilang apprentice habang nagrereview para sa bar exam. “Sure attorney,actualy wala ka talaga masyadong schedule from Thursday,”nakangiting tugon naman nito. “Talaga?why?”nagtatakang tugon naman ni Aimie. “Sorry attorney,nasayo pa din naman ang loyalty ko,but tita Yhna talked to me about it,baka daw kasi idahilan mo trabaho to excused you for not coming,”halos nagkandautal naman na paliwanag ni Sandy. “Haizt,my bitches friends,”nangingiti namang bulong ng dalaga at napailing ito.wow!is this realy me?tanong naman sa isip ni Aimie,kung noon kasi ito nangyari marahil ay umusok na ang ilong niya sa inis,pansin ng dalaga sa sarili,muka ngang malaki na ang ibinait nya ngayon,ou nga at matapang pa din siya sa korte,iniiwasang makalaban ng karamihan subalit natuto na din siyang maging mabait sa mga taong malapit sa kanya,maging sa mga empleyado sa firm.Congrats Aimie!anang dalaga sa sarili. Totoo naman,bagamat hindi pa din siya nakikipagbiruan ay natuto naman siyang maging civil at hindi laging naka angil sa mga empleyado nya lalo na sa kanyang sekretarya,the rock is softening! “Good evening attorney,”bati ng receptionist sa lobby ng condo na tinitirhan ng dalaga. “Hi Joyce,may deliveries ako?”nakangiting tanong ni Aimie. “Yes attorney,ito po,”ani Joyce sabay abot ng isang malaking kahon kay Aimie,nagulat pa ang dalaga ng may kasama pa itong napakagandang flower arrangement. “Thank you Joyce,”ani Aimie pagkakuha ng kahon at bulaklak,inamoy pa ni Aimie ang mga putting rosas at napangiti ito bago maglakad patungo sa elevator. Hindi naman ito nakaligtas sa paningin ni Jansen na nakakubli lamang sa isang sulok ng lobby,napangiti ang binata habang nakatingin kay Aimie,masaya na siyang makita itong nakangiti,sa isip ng binata ay himala dahil magiliw ito sa receptionist at nakangiti pa ng iabot niya dito ang bulaklak na galing sa kanya. Kilala kasi ng receptionist si Jansen dahil ang company ng binata ang humawak ng marketing ng condominuim building kung saan nakatira ang dalaga,ang totoo ay siya nga ang tumawag sa mga kaibigan ni Aimie dahil alam niyang maghahanap ito ng bagong matitirhan,at syempre siya din ang pumili ng pinakamagandang unit para sa dalaga bagamat hindi ito alam ni Aimie.Malaki ang pasasalamat ni Jansen dahil itinuring na din siyang kaibigan nila Lane at Yhna. Nang makapasok ng elevator ang dalaga ay agad naman lumabas si Jansen mula sa pinagkukublihan nito,kumaway ito sa receptionist at kinikilig naman itong kumaway din sa kanya at tuluyan ng lumabas ng building ang binata. Pagpasok sa condo ay agad nilagay ni Aimie ang mga bulaklak sa vase,nakangiti niya itong pinagmamasdan,matagal na din buhat ng huling makatanggap siya ng mga bulaklak,bigla na naman tuloy niyang naalala si Jansen,wala itong palya sa pagbibigay ng bulaklak sa kanya noon,kahit magkasama na sila sa bahay ay may dala iyong bulaklak tuwing umuuwi galing sa trabaho,namimiss na niya ang pakiramdam ng may nagmamahal at nag aalaga,napabuntong hininga ang dalaga at muling bumalatay ang kalungkutan sa muka nito,unti unting naramdaman ng dalaga ang pagtulo ng luha sa kanyang pisngi.Nilukob na naman siya ng kalungkutan,damang dama ng dalaga ang kakulangan sa kanyang buhay,kung minsan tuloy ay naiisip ng dalaga na sumunod na lamang sa mga magulang niya sa Amerika,baka sakaling doon siya makalimot o baka doon niya matagpuan ang magpupuno sa kakulangang iniwan ni Jansen sa buhay niya,dangan nga lamang at hindi niya maiwan ang firm,ngayun pa na ilang buwan pa lamang ay nakikilala na ito.Napailing ang dalaga sabay tungga ng hawak niyang baso na may wine,kaya ko pa!kaya ko to!ani Aimie sa sarili. Chapter 25 “Oh my God girls!my best friend attorney Aimie in the house!”ani Lane ng salubungin si Aimie pagbungad nito sa hotel room na pagdadausan ng bridal shower. “Maka attorney naman to,nasa office pa ba ako?”tugon naman ni Amie na nakapameywang pa. “Happy lang ako at excited kasi dumating ka ontime,akala ko pang closing ka pa eh,”tudyo naman ni Lane. “Oh really,sige alis nako,balik na lang ako sa closing,”pabirong tugon din naman ni Aimie na kunwari pang lalabas na ng silid. “No,ikaw naman di na mabiro,ang totoo masaya lang talaga ako,”ani Lane sabay yakap sa kaibigan na tinugon din naman ng yakap ng dalaga. Lumipas ang oras na hindi na namamalayan ng magkakaibigan sa sobrang kasiyahan,dumalo din kasi ang ilan pa nilang mga college friends kaya para na din itong reunion.Lagpas hatinggabi na din ng matapos ang bridal shower,isa isa na ding nagpaalam ang mga bisita,at tulad ng inaasahan ay naiwan ang tatlong magbebestfriends dahil plano talaga nila na magkakasama ngayong gabi at walang uuwi,susulitin na nila ang pagkakataon dahil pagkatapos ng kasal at honeymoon nila Lane at Gerard ay lilipad naman si Lane para ipagpatuloy ang career sa abroad. “Ang saya ko grabe,sobrang sulit ang gabing ito!”ani Aimie habang nakatingin sa mga kaibigan,nakasalampak na lang sila sa sahig at nakasandal sa gilid ng sofa. “Yeah,super saya ko,syempre lalo at kasama ko kayong mga bestie ko,”ani Lane. “Syempre naman no!ang lagay ay papatali ka na kay Gerard dimo pa ibabalato samin ang last days of your singlehood,”tugon naman ni Yhna na halatang tipsy na,sabagay ay maramirami naman na talaga silang naiinom. “Ou naman,hindi naman ako papayag na hindi kayo ang kasama ko ngayon,alam nyo naman na kayo lang ang besties ko,”tugon naman ni Lane na umakbay pa sa mga kaibigan na napaggigitnaan siya. “Love you guys,so much,”ani Aimie na hindi na napigilan ang maluha. “Hey why are you crying,we are supposed to enjoy this night,”ani Lane. “I'm just so happy for you,kase masaya ka na,nahanap mo na yung para sayo,finaly hindi ka na mabubuhay mag isa,”ani Aimie “Aww!thank you Aims,don’t worry Im so sure na darating din yung time na mahahanap mo yung para sayo,”tugon ni Lane. “Nahanap ko na,tanga lang ako pinakawalan ko pa"patay malisyang tugon ni Aimie sabay tungga sa hawak nitong alak. “What?”sabay namang tugon nila Lane at Yhna. “Natagpuan ko na,naging akin na nga diba,kaso tanga talaga ako eh,”ani Aimie na nakangiti pa ng pilit. “Aims,ano ka ba,tingin ko naman pwede pa din maging sayo eh,hinihintay ka lang nya,”ani Lane. “Aims we know you realy love Jansen,and he still loves you,”pahayag naman ni Yhna. “Hindi na siguro,napagod na sya saken,hindi na ako umaasa,”umiiyak namang tugon ni Aimie. “No Aims,he loves you so much,Im sure naghihintay lang sya ng tamang pagkakataon para lapitan ka,”tugon ni Lane. “Hindi na siguro,kasalanan ko naman eh,ang tanga ko,akala ko okey nako,akala ko kaya ko ng wala si Jansen,”ani Aimie na tuluyan ng napahagulhol. “Aims,we're so sorry,hindi ka man lang namin nadadamayan,”ani Lane na niyakap ng mahigpit ang kaibigan. “Hindi naman masamang umiyak Aims,hindi din kahinaan ang aminin mong malungkot ka,andito lang naman kami ni Lane for you,”ani Yhna na naiyak na din. “Ang sakit sakit,akala ko kaya kong wala si Jansen,pero kulang na talaga eh,mahal na mahal ko sya pero huli na,sumuko na sya,I lost him,”ani Aimie na hindi na mapigilan ang paghagulgol. “No Aims,Im sure mahal ka pa din ni Jansen,who knows binibigyan ka lang nya ng time para marealize mo na mahal mo pa din sya,”ani Lane habang hinahagod ang likod ng umiiyak na si Aimie. “Ayoko ng ipilit Lane,gusto ko na lang maging masaya sya sa buhay nya ngayon,time will come that Im gonna be fine too,though I know wala na akong ibang mamahalin kundi si Jansen,”malungkot na pahayag ni Aimie habang pinupunasan ng likod ng palad ang sariling luha. “Aims basta tatandaan mo andito lang kami palagi sa tabi mo,”ani Yhna. “I know,I love you guys,Ill be fine,time will come na makakamove forward din ako,kung talagang kami sa huli salamat,pero kung hindi at makakatagpo na siya ng iba magiging masaya na lang ako para sa kanya,”ani Aimie na bakas ang mapait na ngiti. Iyon naman talaga ang lagi niyang iniisip,bagamat hindi siya umaasa ay nakatanim na sa isip at puso niya na magpapaanod na lang siya sa agos ng kapalaran,pero sinumpa niya sa sarili na kung muling itatakda ng tadhana na mabigyan ng pagkakataon ang pag iibigan nila ni Jansen ay buong puso niya itong tatanggapin subalit kung hindi naman ito idudulot ng tadhana ay hindi niya ipipilit bagkos ay pipilitin na lang niyang maging masaya para kay Jansen. Kinabukasan bisperas ng kasal ni Lane,mabigat ang pakiramdam na bumangon si Aimie,sa mismong hotel room na pinagdausan ng bridal shower na sila nakatulog na magkakaibigan,hindi na nga matandaan ng dalaga kung paano siya nakapunta sa kama,matapos ang madadramang usapan ay nakatulog na sila Lane at Yhna sa kalasingan at antok,ang natatandaan lamang ni Aimie ay siya na lamang ang naiwang gising at uminom ng uminom hanggang sa hindi na niya maalala kung gaano pa karami ang naubos niyang alak.Kaya naman ngayon ay napakasakit ng ulo niya dahil sa hang over,nakaupo na ang dalaga sa gilid ng kama ng biglang tumunog ang cellphone nito “Hello,”si Aimie na bagamat nakaupo na ay papikitpikit pa din. “Thank God your awake,akala ko bukas ka pa magigising,”ani Lane sa kabilang linya. “Huh?asan ba kayo?bakit iniwan nyo ako dito?”tugon ni Aimie. “Abay comatose ka sa kalasingan no,anyway bumaba ka na dito sa hotel restaurant,lets have early dinner.”ani Lane. “Early dinner?”nagtatakang tanong ni Aimie,anong oras na ba at magdidiner na sila. “God Aimie,its 6pm,take a shower and be here na,”ani Lane at tinapos na ang tawag. “God Aimie,ano bang ginawa mo ng makatulog kami ni Lane at nacoma ka maghapon?”ani Yhna habang kumakain sila ng hapunan. “Hindi ko na nga matandaan mga nangyari noh,sukat ba naman tulugan nyo ako,”reklamo naman ni Aimie. “Jusko,gumagapang na nga ako papunta sa bed,grabe ang lakas mong uminom ngayon Aims ha,”ani Lane na natatawa pa habang inaalala ang mga nangyari ng nagdaang gabi. “Ou nga,maryosep Aimie,ginawa mong tubig ang vodka pagkatapos mong magdrama ng bonggang bongga,di kita kinaya,”natatawang litanya naman ni Yhna. “Talaga ba,kayo nga itong napakadaya,sukat iwanan nyo akong mag isa ,”nakangiti namang tugon ni Aimie at sabay sabay silang nagkatawanan.Ang totoo ay hindi na din mabilang ni Aimie kung ilang boteng alak ba ang naubos niya ng nagdaang gabi,basta ang alam niya ay uminom siya ng uminom hanggang sa makaramdam siya ng pamamanhid ng buong katawan,nilunod na lamang niya sa alak ang nararamdamang kalungkutan. “Grabe ka Aimie,gusto mo yata susuraysuray ako sa araw ng kasal ko,”ani Lane. “Hindi naman,hindi ko nga alam ano na mga nangyari kagabi,natatandaan ko lang iniwan nyo ako,kayo nga ang dapat makunsensya dahil hinayaan nyo akong mag isa,”kunwari namang nanunumbat na pahayag ni Aimie at lumabi pa ito na parang bata. “So ngayon gusto mo pang kami ang maguilty attorney?”ani Yhna na tinaasan pa ng kilay si Aimie. “Ayan na naman sya,maka attorney,gusto ko nga muna kalimutan trabaho,concentrate na lang tayo sa kasal ni Lane,”ani Aimie na nakangiti. “Tama,kaya after this early dinner ay pamper time tayo,bongga spa sa hotel na to,magrerelax tayo ngayon para masarap tulog natin later at maganda tayo bukas,”ani Lane na itinaas pa ang hawak na baso sabay sabi ng “cheers!”.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD