Hindi makapaniwala si Yhna sa mga kinuwento ni Aimie, agad kasi itong nakipagkita sa kanya ng makauwi ng Pilipinas. "One week kaming halos araw araw magkasama wala man lang siyang nabanggit sa akin,at matagal na pala niyang itinatago 'yun sa atin,why?" ani Yhna. "Iyan nga ang hindi ko maintindihan, actually tatawagan ko na nga sana sya when I learned about it, pinigilan lang ako ni Jansen, mas maganda daw na personal natin siyang kausapin," tugon ni Aimie. "You want me ro call her?" ani Yhna. "Nasaan ba sya ngayon?" balik tanong ni Aimie. "Sabi nya magkikita sila ni Gerard sa Cebu," sagot ni Yhna. "Sabi ni Didie hiwalay na sa asawa si Lane,hindi nga daw nakilala ng bata yung ama, akala nya," ani Aimie na napapailing pa. "Alamin natin ang totoo mula mismo sa kanya,bujas ang balik nya

