CHARM's POV Ilang na ilang ako habang ginagamot ko ang sugat n'ya. Paano nga naman ay panay ay ngiti n'ya at pagdampi ng halik sa labi ko. Inabot tuloy kami ng s'yam s'yam sa paggagamot lang ng sugat n'ya. Panay ang hampas ko sa dibdib n'ya kahit halos magwala na ang puso ko dahil pinaggagagawa namin! Ugh! Ano bang nangyayari? Ano na ba ang status namin? Bakit kung makahalik s'ya ay parang totoong boyfriend ko na s'ya? Ugh! Ipinilig ko ang ulo ko at hinawakan ang kamay n'yang nakayakap sa bewang ko para makaalis doon. Hinayaan n'ya naman akong makaalis pero laking gulat ko nang itulak n'ya ako pahiga sa kama. Nanlaki ang mga mata ko lalo na nang dumagan s'ya sa akin. "Ano ba!" saway ko at inilagay ang dalawang kamay ko sa dibdib n'ya para magkaroon kami kahit papaano ng pagitan. Ngumis

