Chapter 4

2461 Words
Janica's PoV After we ate in a cafeteria, may emergency daw sabi ng parent ko and ganoon din yong parent ni Darryle. Kaya nag madali kaming umuwi at excuse na daw kami kinausap na daw nila si lolo. Siya ang dean dito, kahit na nasa New York siya. . "Why Mommy?" Tanong ko at tumingin kay mom. "Mommy why?" Tanong din ni Darryle sa nanay niya. Binaliktad niya lang ang sinabi ko. "We need to talk." Sabay na sabi ni Mom and his mother. Tita Lorena. "Lilipat na kayo ng bahay." Tsk. Yon lang pala. "Papagiba na daw yung bahay doon may gagawin daw e." Seryosong sabi ni tita Lorena at alam kong hindi yon ang totoo. "What do you mean tita and mommy? Bakit kailangan namin lumipat?" Tanong ni Darryle sa kanila. Halata naman na nag iisip sila ng maisasagot nila kay Darryle. "Uhm," Nag iisip pa si mom kung ano ang isasagot niya, napabuntong hininga naman ako at tyaka ako ang nagsalita. "Because ayoko na pati sa bahay natin kaya okay na yung lumipat tayo Darryle." Pagsisinungaling ko diti, dahil ang tagal nilant mag isip at sagutin si Darryle. "Uhh, where?" Tanong niya na naman, at interesado siya. Sabagay sino naman hindi magiging interesado kung lilipat ka ng bahay at hindi mo pa alam. Tss. "We decided na lumipat kayo ng bahay because malayo ang school niyo hindi katulad ng dati. Hindi naman sobrang layo noon." Paliwanag ni Tita Lorena. "Uhm, kung dadaan ka sa may Express way. Kulang kulang 30 minutes nandoon na kayo sa school niyo. At kapag hindi naman or traffic baka umabot kayo ng 1 hour and 30 minutes." Dagdag pa na sabi ng nanay ni Darryle. "And simulan nyo nang mag ayos ng mga gamit nyong dadalhin wag kayong mag alala 3 days excuse kayo. Kakausapin namin ang dean. 'Yong mga kulang ninyong gamit sa bahay niyo nabilhan na namin ni Lorena." Mahabang sabi ni mom. Di ko alam kung makikinig ba ako sa mga sinasabi dahil kutob ko naman hindi dahil malayo ang bahay, kaya kailangan lumipat. "Pwede na kayong umalis at bumalik sa bahay niyo may truck na rin sa bahay niyong naghihintay hinahakot na yong iba niyong gamit. May mga guards din kaming pinasok para mabantayan kayo." Sabi ni Tita Lorena. Siguro ay delikado na talaga kami sa lumang bahay at kaya kami lilipat. Bakas naman sa mukha ni Darryle ang pag tataka sa nangyayari. Nang makaalis kami doon ay agad na kaming umuwi para tumulong sa pag aayos at nang matapos kami doon, dinala na ang gamit sa lilipatan namin na bagong bahay. Nakasunod ang sasakyan ni Darryle sa akin at bago ang truck. Ewan ko ba sa kaniya, pwede naman siyang sumabay sa akin para hindi sayang ang gas. Nang nandoon na kami sa bahay ay agad naman akong pumasok. Maganda ang bahay modern ang design nito. Tinitignan ko ang bawat sulok ng bahay, wala pang masyadong gamit na nakalagay. Kailangan pang dalhin ang mga ibang gamit na nasa bahay, at bumili ng kulang. Ako na lang ang bahala doon, dahil ako naman lagi. Umakyat ako papuntang third floor dahil mas gusto kong unahin tignan at libutin 'yon. Halos nasa tatlo o apat yata ang pintuan dito sa third floor. May roon pang sala sa may veranda doon. Pumasok ako sa may nakaawang na pintuan. Inikot ikot ang mata ko sa loob ng kwartong iyon at hinawakan ko ang mga bahagi ng kwarto. May kakaiba sa kwartong 'to. Natuon yung etensyon ko sa isang pindutan kaya naman ay pinindot ko iyon. May pintong lumabas at binuksan ko ito. Isa itong secret room ganito rin ang dati naming kwarto na tinitirhan. Mas maganda itong bago kong magiging secret room di katulad noon, may mga computer na din. Mas malaki ito kumpara sa isa. Hindi din masyadong halata to. Nang matapos ako sa pag lilibot ay bumaba na ako alam ko naman na wala na akong gagawin doon, at nakita ko na ang mga gagawin at dapat kong makita. "Ma'am saan ko po pala ilalagay yung gamit nyo?" Tanong ng katulong namin. Napatingin naman ako dito, tyaka sumagot. "Uhm. Maghanap ka nalang ng kwarto na maganda o baka may pangalan naman doon na nakasulat para sakin. Yung medyo malaki ha." Sagot ko sa kaniya tumango naman siya at naglakad palis. "May napili ka ng kwarto Janica?" Hindi ko napansin na katabi ko na pala si Darryle at busy din siya sa pag tingin ng kalangitan. Maganda ang view, madami din ang puno. "Nag papapili pa ako ng kwarto sa katulong," sagot ko sa kaniya. "Okay." Maikling sagot niya. . Darryle Point of View. Kanina nagtataka ako bakit gusto nilang lumipat kami. Pero nawala nalang iyong pagtataka ko nung sinabi ni Janica habang nasa byahe kami. Gusto niya na daw lumipat ng bahay hiniling niya daw iyon sa magulang niya at sa magulang ko. Hindi na din daw kasi sya komportable sa bahay na naming iyon. Kaya naman ay nawala na ang pagtataka ko. Maganda at maayos ang bago naming nilipatan. . Hanggang 3rd floor ang bahay nilibot ko iyon at maganda may limang guestroom at may dalawang kwarto na pang sa amin ata ni Janica kaya sa kanya yung black and white mayroon din kulay grey. Ang sa akin naman ay grey at may puti din. Sa ikatlong palapag ay may mga sala, upuan, lamesa, billiard hall, vacant room, may 2 guest room and yung isa walang laman siguro pinagawa rin ito ng parents namin. Kay Janica naman lagi napupunta ang walang laman na kwarto kasi daw gusto niya at pwedeng lagyan ng mga gamit niya. Storage room kumbaga. Madami din kasing gamit di ko ba alam doon mahilig sa mga gamit. . Sa ikalawang palapag naman ay may tatlong guest room at dalawang kwarto na maganda sa kaduluhan naman ay natuon ang etensyon ko. Tinignan ko iyon ay yon pala ang magiging family bed namin kapag nandito sila grandma. Maganda ang kwartong iyon. Para talaga iyon sa mag asawa, malaki ang higaan. May maliit na walk in closet din. Para sa amin yon, pag makikita kami ng grandparents namin. Kailangan doon matulog. . Janica's PoV Umaga na. Muntikan na akong pumasok kanina buti nalang nasa kwarto ko pa ako. Naalala ko na excuse kami ng 3 days to five days para iayos 'yong bahay na nilipatan namin. Buti nalang hindi na nagtataka si Darryle kung bakit kami lumipat ng bahay biglaan. Nagsinungaling ako sa kaniya kagabi. Pinadala ko yung kotse ko dito sa mga bantay. Kilala ko ang mga iyon, galing pa sigurado sa Hawaii yon. Puro tauhan namin nila daddy ang bantay at puro bago ang maid namin. Nag paalam si Nanay Belen kahapon kailangan niya daw muna umuwi dahil may sakit ang kaniyang anak.m at walang mag aalaga doon. Nag iisang niyang anak yon kung hindi ako nag kakamali. Binigyan namin ito ng pera para konting tulong na rin kahit papaano. At ibinigay na din ang sweldo. "Ma'am luto na po ang nga pagkain." Sabi ng katulong sa akin. "Okay." Sabi ko at bumaba na nakita ko si Darryle na nakain na umupo ako sa harapan niya. "Ate what is your name?" Tanong ni Darryle sa babae may pagkatanda ito sa amin. At mas matanda naman si Nanay Belen sa kaniya. "Lolit po sir." Sagot noong babae. Pagkakatiwalaan naman siguro to, dahil hindi siya kukuhain na katulong ng magulang namin kung hindi. "Okay." Sabi ni Darryle. Bumalik na lang siya sa pagkain niya. At umalis na din ang katulong na iyon. Nang matapos kami kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko para makaligo. Bumaba na ako ng matapos ako, nakaupo si Darryle sa may sala. Nanood siya ng movie. Kaya naman ay nagdaretso na lang ako sa paglalakad. Kaso ay hinawakan niya agad ang pala pulsuhan ko. Hindi ko naramdaman ang pagtayo niya. Kaya naman ay humarap ako sa kaniya. "Where are you going huh?!" Tanong niya may pag kalakas ang pagkasabi niyang iyon. Nagtaka naman ako, ano ba ang pakielam n'ya? "Sa pupuntahan," walang emosyon na sagot ko sa kaniya. "Kinakausap kita ng ayos saan kaba talaga pupunta?" Tanong nya na may halo ng inis. May kalakasan din ang boses nito. "Sa pupuntahan nga!" Malakas na sagot ko. Totoo naman eh sa pupuntahan ako pupunta. Tss. "Tsk. Hindi na ako nakiki-pagbiriuan Janica!" Inis na lalong aabi niya. Hindi naman ako nag sisinungaling sa kaniya, hindi ko ba alam kung bakit ayaw niyang maniwala. "Bitawan mo nalang ako. Sa pupuntahan nga ako pupunta ang kulit!" May pagkainis na sagot ko sa kaniya. "Janica!" Tawag nya. Ano bang hindi nya maintindahan doon? "Ano bang pakielam mo?" Kalmado kong tanong sa kaniya. At seryoso akong tumingin sa kaniya. "Asawa kita tandaan mo yan! Kaya may pakiealam ako." Sabi niya, hindi na lang ako sumagot. "Saan ka ba kasi pupunta?" Kalmado niyang tanong. "Sa pupuntahan" Sagot ko ulit. "Janica hindi nako nakikipag biruan!" Sabi nya. Tsk. Ano bang hindi nya maintidihan doon sa sinabi ko. Tsk. "Nakikipag biruan ba ako?" Tanong ko. "Janica seryoso ako saan ka pupunta?" Tanong nya. Ang kulet neto ah! Paulit ulit na. "Tsk. Mukha ba akong hindi seryoso? Sa pu.pun.ta.han nga!" Ang kulit ah. "Kapag di ka umayos ng sagot sasamahan kita tingnan mo!" Sabi nya na may halo pa rin na inis. "Edi sumama ka. Kailangan ko rin naman na kasama." Sagot ko. Sumama nga siya sa akin. Hindi man siyang nag abalang mag ayos ng damit niya. Ginamit namin ang sasakyan na binigay sa amin nila mom. 4 by 4 iyon, na may pagka style na truck. Hilux ata ang sasakyang yon, maganda ding gamitin para pag may kukuhain o lalagay na gamit. ... Darryle's PoV Nakakainis yung Janica'ng yun ah. Tinatanong mo ng maayos kung saan pupunta sasabihin sa 'pupuntahan nga!' Tsk. Akala nya nagbibiro ako. Halata naman sa mukha ko na seryoso ako pag dating sa kaniya. Patuloy lang siyang nag da-drive at seryosong seryoso. Ngayon ko lang siyang nakita na seryoso habang nag iisip at nag da-drive. Nag park siya ng sasakyan. Pagkalabas ko nakita ko yung pangalan ng pinuntahan namin. . . . . PUPUNTAHAN? . . . . . . . . . Anong klaseng pangalan yan? . . . . . . . . . . . . . . . . . Hindi nga siya nagbibiro kanina. . . . . . . . . Namula ako. Hindi pamumula dahil sa kilig, pamumula dahil sa pag kahiya. Putcha! . "Naniwala kana?" Seryosong tanong niya at ngumisi. "Ano bang bibilihin mo dito?" Tanong ko sa kaniya. "Mga gamit sa bahay yung mga kulang" She said "Bumili ka rin kung may 'magustohan' ka man na pang lagay sa bahay." Dagdag pa niya. At ngumisi. Tumango na lang ako. At sinundan siya. . Pumunta kami kung saan nakalagay ang mga cover ng higaan at unan. Kumuha sya ng dalawang malaki para sa unan at dalawa sa maliit na unan. Kumuha rin siya ng cover para sa higaan na katulad nang sa unan. Kulay Black ito na may halo na white. . Favorite niya ba black and white? Hm. . "Wag kang tumingin sa akin. Pumili ka na lang na mga magugustuhan mo" Sabi niya. Nanlaki ang mata ko. Oo nga nakatingin ako sa kanya. Paano ba naman sa ganda niyang iyan. Wala masyadong nakakilala sa kaniya masyado kasing tago ang bilihan na ito at kaunti lang tao After ilang oras ay natapos na din ang pamimili namin ng mga gamit. Bumili din ako na pwede kong ilagay sa kwarto ko. Bumalik na kami sa bahay. Nagtataka nga ako e, May nasunod na motor sa kaniya pero noong lumiko siya nawala 'yon. Para bang nililito niya. Ngayon ko lang napatunayan na magaling siyang mag drive. Hindi ko alam ang bagay na yon. Madami rin siyang binili. Cover ng unan, higaan, sofa na pang kwarto lang ba sakto lang ang laki non. Center table, base, flower, kurtina, lamp, madami pang iba. Yung iba naman nun ay pinakuha niya sa driver para kunin sa PUPUNTAHAN. . Hindi naman ganoon kalaki ang bahay namin, simple lang ito. At halos lahat ng gamit sa loob ay siya nag ayos. Di ko ba alam kung designer siya o ano. Dahil sa simpleng bahay nagawa niyang pagandahin lalo yon. Lalo na ang loob. The sofa, dining, rest room, at iba pa. Halos perpektong ang ayos ng mga yon. Magaling siya mamili ng gamit, kahit hindi kamahalan yon ay maganda pa din. Hindi na ako magtataka kung maging architect siya o house designer. Putcha. . Janica's PoV "Anong kailangan?" Tanong ko. Umalis ako sa bahay noong tulog na si Darryle. Dahil bawal niya pa malaman ang totoo. Baka makasama lalo sa kaniya. Pumunta ako sa bahay na abandon na, kung saan ako laging napunta. "Boss, galing ako kanina sa Taky." Sabi ng tauhan ko. "And?" "May balak po sila na talunin kayo. Marami sila nasa pito ang namumuno roon pero ang nangunguna ay si George Harrison. Ang rason po nila ay gustong manguna sa buong mundo at nanakawin ang yaman ng pamilya ninyo. Hindi pa niya kayo kilala. Hindi pa niya kayo nakikita tanging pangalan lang ang alam." Sabi niya sa akin at seryoso akong nakikinig sa mga sinasabi niya. "Gusto kong mag bantay ka roon. Babayadan kita. Magpanggap kang tauhan nila." Utos ko sa kaniya. Tumango naman siya bilang sang ayon sa akin. "And boss marami po kayong bagong tauhan na darating galing Hawaii. Pinadadala daw po iyon ng reyna." Pagpapaalam pa sa akin nito. "Ilan lahat lahat 'yon?" Tanong ko sa kaniya. "69 lahat po 'yon boss. Sinakay sila sa public plane dahil hindi kaya kung sa private plane. Sayang daw po ang gas non." Seryosong sagot niya. "Nasaan na ngayon sila?" Tanong ko ulit. "Nasa tulugan po ng tauhan." "Marami pa ba ang mga higaan roon?" Tanong ko sa kaniya at seryosong tumingin sa kaniya. "Opo nasa kalahati pa ang naroon. Nasa isang libo po ang higaan roon. Ayon ang gusto ng Reyna. At tyaka nga po pala may pinapasabi si Master. Kung pwede ka daw niya makausap may gusto daw po siyang sabihin. Meron po pala siyang pinadalang pwedeng mag manage muna sa mga salons and other business niyo." Mahabang daretso na sagot niya sa akin. "Ilan naman ang pinadala ni halmeoni?" "30 boss. Hindi niya daw alam ang bilang na kailangan ninyo. Mga professional at tapos nang pag aaral naman ang pinadala nila." Sabi pa niya. "Pwede na yan. May mga nahanap na naman ako para sa iba." Sabi ko. "May mga kailangan pa po ba kayo boss?" Tanong niya. "Sasabihan kita kung meron man," sagot ko dito at tyaka umalis. . Author's Note thank you sa mga nagbabasa ng Ms. Mafia Secretly Married to Mr. Playboy. Keep reading po! GOD BLESS!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD