Chapter 15: Twin Birthday Revelation. . . . Crystal's PoV (Janica) "Bakit dito ginanap ang birthday?" Tanong ni Mayie. "Oo nga Crystal, diba sa inyo 'tong resthouse and resort?" Tanong naman ni Thea na nagtataka. "Ewan." Tanging sagot ko sa kanila. Tanging si Shan lang ang nakaka alam tungkol sa pamilya ko. Yung totoo. Dahil na rin kapatid niya si Ate Aliyah. Kaibigan lang namin ang hindi nakaka-alam pero ang mga magulang nila ay alam. Dahil na rin sa matalik silang kaibigan ni dad. "Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you...." Ilang oras na ang nakakalipas at tapos na magsi-kainan ang lahat. Si dad ay ipinatawag lahat ng imbitado sa birthday ng aking dalawang kapatid na lalaki. "Magandang hapon sa inyong lahat." Panim

