Chapter 47: Paghahanda Darryle's PoV "Kamusta training niyo? Nakakapagod ba?" Pang aasar ko. "Palibahasa, hindi ka nag training eh." Sabi ng mga lalaki sa'kin at nagsipuntahan sa kusina. "Sure ba kayong nagtraining kayo?" Tanong ni Crystal sa mga babae, "Oo naman." Michelle. "Nakakapagod nga eh." Mayie. "Pawis na pawis ako. Ang init grabe." Thea "Sakit ng katawan ko." Lichelle. "Tss. Akala niyo naman nagtraining talaga." Sabi ni Crystal. Tinitignan ko lang sila. "Nag training naman talaga kami eh." Sabi ni Mayie. "Oo nga Crystal nakakapagod." Sabi ni Michelle. "Eh sinunod niyo naman sinabi ko?" Tanong ni Crystal. At saktong dating din ng mga lalaki galling sa kusina. "Anong sinabi boss?" Patay malisyang tanong ni Brian. "May sinabi ka ba boss?" Liam. "Ano yun boss?" Shan.

