Isabelle:
****
Nasa hardin ako sa likod ng mansyon nang makarinig ako ng ugong ng sasakyan.
Kaagad kong pinatay ang tubig ay saka ko nilapat ang hose. Nagmadali ako pagpunta sa gate para buksan ito.
Marahil ay sina Ma'am Divina at kanyang asawa na ito.
Hindi nga ako nagkamali dahil pagbukas ko ng gate ay nakangiti niyang mukha ang bumungad sa akin.
" Hello, Isabelle, nariyan pa ba ang ang anak ko?" tanong ni mam Divina sa akin.
Nakababa ang bintana sa tabi niya at doon siya nakadungaw.
Nakita ko sa tabi niya ang isang may edad na lalaki pero kahawig ito ni sir Henry. Ito siguro Ang kanyang ama. seryoso lang naman ito.
" Hi, po tita, Umalis na po kanina pa. siguro mga seven thirty ho," magalang kong sagot. Nilakihan ko ang pagbukas ng gate para makapasok ang sasakyan nila.
"Ganun ba? Eto, may mga pinamili ako pakidala sa kusina, Thank you," binuksan niya ang likod ng kotse at doon ay nilabas ng daddy ni Henry ang mga ilang paper bags.
"Nag grocery kami kasi gusto ko magluto at gusto ko na ituro sa 'yo ang ibang recipe ko, Para kapagay gusto ako ipaluto ay alam mo na iyon, marunong ka ba magluto?" tumango ako.
Ngumiti siya.
Natutunan ko iyon dahil kay nanay, Noong magkakasama pa kami sa iisang bahay.
Kamusta na kaya sila, Naiisip kaya nila ako? kung kumusta na ako?
Dumiritso kami sa kusina para ilapag ang mga grocery. ang daddy naman ni Henry ay dumiretso sa taas. hindi manlang ako nito tinapunan ng tingin.
Nakaka intimida ang kanyang mukha. guwapo rin pero nakakatakot. Itong si mam Divina ang mukhang magaan ang awra sa kanilang tatlo.
" Sige, Magpapalit lang ako ng damit sa taas. hugasan mo nalang muna iyong karne dahil gagawa tayo ng kare-kare at beef stew. Alam mo ba 'yon?" umiling ako.
"Really? simpleng ulam lang naman iyon, sosyal lang ang pangalan," natawa siya
" Hindi po kami nakakain pa ng ganyan sa amin, bihira lang kasi noon si tatay magkaroon ng pera, At kung magkaroon naman ay pambili ng ng bigas. wala pang ulam do'n," sabi ko.
Nagulat ako ng yakapin ako ni mam Divina.
" Huwag ka mag alala, mula ngayon ay ituring mo na rin kaming pamilya mo. Suswuweldo ka dito pero pag aaralin kita. makakatapos ka, Pangako 'yan,"
" Salamat po, tita, pagbubitihin ko po ang trabaho ko dito, Makakaasa po kayo,"
Ngumiti naman siya at saka hinaplos ang buhok ko.
Pag akyat niya sa kanilang silid ay sinimulan konaman ayusin ang mga pinamili niya.
Hinugasan ko na rin ang mga gulay, at karne saka sila nilagay sa kanilang lagayan, Iyong mga karne at iba pa ay sinilid ko sa mga tupperware at saka ko pinasok muna sa ref. ..
Saktong alas-dose ng tanghali ng matapos kami sa pagluluto.
" Tawagin ko lang ang sir mo," iniwan ako ni mam Divina para akyatin ang kanyang asawa.
. Napangiti ako ng makita na ang ganda ng pagkakagawa ko sa mesa, sa arrangements nito.
Apat ang plato sa hapag kasama na ang akin symepre.
Ayaw ko sana sumabay pero mapilit si tita Divina.
Nahihiya lang kasi ako baka ano isipin nyo kanyang asawa. katulong ako dito hindi senyorita!
Sumaglit ako sa kwarto ko para magbihis ng damit. Nakakahiya naman mukha na akong dugyot sa itsura ko!
Pababa palang ako ng hagdan ng makita ko si Sir Henry na naglalakad papasok sa dinning area. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay tila natigilan.
Tuloy-tuloy akong bumaba hanggang sa tuluyan na kaming nagkalapit.
Tumambol ng malakas ang dibdib ko. Napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang kanyang nakakapasong titig .
Siya ang unang nag iwas ng tingin at hindi ako pinansin.
Napanganga ako dahil do'n. aba!
Sungit!
Naupo siya sa tabi ng kanyang ama, nasa dulong bahagi ng mesa ang Padre de pamilya. habang si tita Divina ay nasa kaliwang tabi. si sir Henry ay nasa kanan. ako naman ang katabi ni tita Divina.
"Aalis ka ba ulit, anak?" tanong ng kanyang ina kay sir Henry.
" No, mom, I'll just continue it in my office,"
sagot naman nito sa ina.
" Did you convince, Atty, Morales.To be part of our law firms? He can be our associate in real estate. What do you think?" Tanong naman ng kanyang ama.
Napayuko ako dahil saglit muna ito tumingin sa gawi ko bago pagtuunan ang kanyang anak.
Nakaramdam naman ako ng hiya dahil tama ba na narito ako sa hapag kasama nila gayong isa lang akong maid dito?
Wala naman itong pinakita masama sa akin kanina nang yayain ako ni tita Divina, pero base sa itsura niya na parang laging may kaaway. Nakakaintimida.
They shared the same feature. ng anak niya.
Siguro kung silang dalawa ang palagi kong makakasama sa iisang lugar, baka mamulultot ako sa takot.
" No, dad, But I will call her right away If that's what you want," sagot ni sir Henry.
She?
"
"You can invite her tonight so we can discuss her transfer to our company."
" Yes, Dad,"
Marami pa silang naging usapan at madalas tungkol sa business. lahat yun wala naman akong alam.
Nauna akong tumayo dahil tapos na ako kumain. dinala ko ang plato ko sa Kitchen, Dinalhan ko rin sila ng dessert na ginawa namin kanina.
" Can you please, sit down?" mahinang bulong ni sir Henry sa akin ng mapalapit ako sa pwesto. Napatingin ako sa parents niya pero nag uusap ang mga ito at tila hindi naman napansin ang ginawang pag bulong ng anak nila sa akin.
Tumingin ako sa kanya.
Nababasa ko sa mga mata niya ang tila pagka irita.
Bakit?
" M-May gagawin pa po ako sa kusina, tawagin niyo na lang ako kapag may kailangan kayo," magalang kong sabi sa kanya. yumuko ako.
" Tss," rinig kong sagot niya. bakas ang inis do'n.
Hindi ko na lamang siya pinansin at saka muling bumalik sa kusina.
AFter ng tanghalian ay naglinis na ako ng buong dinning area hanggang sa kitchen.
Nag mop na rin ako ng sahig kahit hindi naman iyon madumi.
Nag spray din ako sa kitchen ng air freshener at ganoon rin sa dinning area.
Natapos ako banda alas-2pm ng tanghali.
" Ay, Butiki!" Napatalon ako sa gulat ng mabungaran ko si sir Henry na nakatayo sa may pinto nitong kitchen.
Naka-cross arms habang nakatitig sa akin ng taimtim.
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
" You're so grumpy, lagi ka nalang nagugulat. Ano bang mga iniinom mo?" he said. tinaasan niya ako ng kilay.
"Bakit naman kasi palagi kayong nanggugulat? Puwede naman kayong magsalita para alam ko na andito kayo, Hindi 'yung palagi nalang kayo tahimik!" inis ko namang sikmat sa kanya
. Ngunit kaagad din ako natigilan sa sinabi ko.
"Is it my fault that you feel unwell around me?"
Hindi ako nakasagot. lumapit siya sa akin kaya napaatras ako.
"Am I making you feel uncomfortable?"
Muli niyang tanong habang unti-unting lumalapit sa akin.
He grabbed me and pinned me on the wall. I gasped!
" S-Sir,"
" Tell me, Am I making you uncomfortable? Are you scared of me?" Bulong niya sa tainga ko.
Nagdulot iyon ng kiliti sa akin. pero pinigilan ko ang sarili na mapapikit. Sinubukan ko siya itulak pero Itinaas niya ang mga kamay ko sa uluhan ko!
" Sir, Henry, Bitiwan niyo po ako, B-Baka may makakita sa atin," kinakabahan kong sabi sa kanya.
Mabait ang mama niya pero hindi ako sigurado kung seryoso ba ito sa mga sinabi nito na gusto ako maging manugang. Baka biro lang iyon.
Ayaw ko naman abusuhin.
Pero ngumisi lang siya at saka ako nilamukos ng mapag parusang halik! Nagulat ako.
Kaagad din naman siyang tumigil sa paghalik sa akin pero nanatiling nakatitig sa akin.
Nag init ang magkabilang pisngi ko.
"Accept my offer, Isabelle, I want you to be my wife as soon as possible," bulong niya.
Muli niyang pinatakan ng halik ang labi ko. Nag init ang pisngi ko dahil aminin ko man o hindi, Tinatablan ako ng mga pahalik-halik niya!
Isang araw pa lang ako sa mansyon nila pero pakiramdam ko napakabilis ng mga nangyayari sa akin dito.
Naisip ko na bumalik nalang sa aming bahay kapag hindi niya ako tinigilan kakakulit. Nasa kabilang barangay lang naman ang amin. Itong mansyon nila ay nasa isang exclusibong subdivision dito sa Pangasinan.
"Sinabi ko naman sa inyo na ayaw ko, At saka wala po ako nakikitang dahilan para magpakasal sa inyo," tapat kong sagot.
" Is that it? I can give you a reason to accept my offer," He playfully said.
Napakunot noo ako.
" Ayoko pa rin,"
Bumuntong hininga siya saka ako binitawan.
Bigla sumeryoso ang kanyang mukha.
" I need a Wife, Isabelle, My father wants me to pursue my ex-girlfriend and want me to marry her someday, For business expansion of course. But I don't want that idea." mas lalo lang ako naguluhan sa mga sinabi niya.
" That's why I came up this decision to marry someone-to be my temporary wife," Napanganga ako.
Temporary?
" Ano?" Nakakainis siya sa totoo lang.
Dami niyang sinabi pero isa lang ang naintindihan ko. Gusto niya ng pansamantalang asawa.
Sabagay, Ano ba ang dapat ko asahan? Hinahalikan niya ako hindi dahil mahal o gusto niya ako.
Dahil lang 'yon sa tawag ng laman.
At ngayon balak pa niya ako gawing kasangkapan sa kanyang problema. ts.. ang tanga ko.
" Labas na po ako sa problema mo, Pakasalan mo nalang ang ex mo kung 'yun naman ang gusto ng ama mo,"
"You don't understand me," he said.
" Hind po talaga. ayoko po makisali sa gulo mo,"
" I can double up your salary, Also, I'll offer you a full scholarship until you graduated in college, What do you think? All you have to do is sign our marriage certificate. Be my wife for at least A year or more, "
Natulala ako sa nakakaakit niyang offer. nakakalula. Scholarship? Until I graduated?
Wow.
" Iba pa ang ibabayad ko sa 'yo kapag natupad mo ang lahat ng ibibigay kong Kondisyon,"
" Kung tatanggapin ko ba ang offer mo... Makakaasa ba ako na tutupad ka sa lahat ng sinabi mo?" he nodded.
"Pero may isa akong kondisyon bago ang lahat,"
" Ano 'yon?" tumitig siya sa akin ng ilang sandali bago nagsalita.
"I don't want you to get pregnant while and until our contract is completed within a year or more."
-----
A/N: HELLO, MAY NAGABABASA BA?