Chapter11

1355 Words
Pagka gising kasi ni David, nagulat siya na tanghali na, pag labas niya ng room niya, wala na mga kaibigan niya, pagka tapos kasi kagabi sa condo ng isa nilang kaibigan nagka yayaan na pumunta sa unit niya para ituloy ang kwentuhan, inuman, kasama si Angela, hanggang sa nalasing na at doon na natulog sa unit nya. Pag labas niya ng kuwarto napansin niya ang pagkain sa lamesa, binuksan niya, napansin niya familiar ang Tupperware na may kare-kare, alam niya kay Jenna ito. Kaagad niyang tinawagan si Jenna, pero nagtaka siya bakit hindi sinasagot. Pinuntahan niya sa bahay nito pero hindi rin siya pinag buksan, na low batt na ang cellphone niya sa kakatawag na hindi naman sinasagot. Isang katutak na text ang pinadala niya pero wala siyang nakuhang sagot. Kinabukasan, umuwi siya sa bahay ng magulang niya dahil may salu-salo ang mga magulang ni Angela at magulang niya kasama ang tita niya. Pag pasok niya sinalubong siya ng mommy niya, hinahanap si Jenna sa kanya, nag dahilan na lang siya na umuwi sa mga magulang nito dahil may emergency, ayaw niyang sabihin na may hindi sila pagkaka unawaan, kailangan muna niya maka usap si Jenna. Nilapitan siya ni Angela, “Hi, honey!, anong oras ka nagising kanina? Kinain mo ba yong dala na food ng mga staff mo?” “Ha? sinong staff?” si David, “Ahh kasi kanina pag bukas ko ng door, may dalawa kang staff na kakatok ata, pina abot yong food na pinadadala mo daw, si kathy at Jenna daw ang name nila” si Angela. Laking gulat ni David sa sinabi ni Angela. “s**t!” tumalikod siya at akmang lalabas ng tawagin siya ng daddy niya, “hey, where are you going? hindi pa nag uumpisa aalis ka na?” “Ahh dad I need to go, may emergency lang”, “what emergency David?” si Angela, na hindi niya napansin na nakalapit na pala. “Can I talk to you? Angela.” Si David. “why? Anong problema?” si Angela, sabay hagod sa likod ng ulo niya “what did you say kina Kathy at Jenna, may sinabi ka ba sa kanila about… ah …us?” Ngumiti muna si Angela, “ yah, sinabi ko lang naman sa kanila na we’re are in a relationship before at nandito ako para ayusin ang relasyon natin, at may family dinner tayo ngayon, why? May problema ba?” si Angela. “ano? Why? Bakit mo sinabi yon eh hindi naman totoo.” Napa lakas ang boses niya kaya napalingon ang mommy niya at daddy niya, kaya lumapit ang mga ito sa kanila. “why, anong nangyari, bakit nag tatalo kayo?”si mommy elena, “ito kasing babae na ito, kung anu-ano ang sinabi kay Jenna about us na hindi naman totoo, kala ko ba naliwanagan ka na nong sinabi kong magkaibigan na lang tayo, bakit ka nag sinungaling kay Jenna? Now I know why she doesn’t want to talk to me, dahil sa mga pinagsasabi mo. You lied to her, alam mong walang tayo at hindi na magiging tayo, do you understand that?” si David. “Pero David, I still love you, alam mo yan, ayaw ko ng friends lang tayo, gusto ko tayo uli. Mahal mo naman ako dati diba?” Si Angela. “No!, wala na akong nararamaman sayo, the day you cheated on me nawala na ang pagmamahal na sinasabi mo even my respect kaya huwag kang ilusyunada Angela,pinakikisamahan lang kita dahil sa magkaibigan ang mga pamilya natin, kaya huwag kang mangarap na magiging tayo uli.” Sabay labas ng bahay nila, sinundan siya ng mommy niya, “anak huminahon ka, kausapin mo na lang si Jenna, just explain to her iho, maintindihan ka niya.” Si mommy Elena.”okay mom, pupuntahan ko muna siya.” si David. Panay ang tawag, doorbell ni David sa unit ni Jenna pero hindi siya pinag buksan, alam niyang nandiyan ang dalaga. Umuwi si David sa condo niya. Kinabukasan pumasok si Jenna, nag desisyon na siya, mas mabuting maki pag hiwalay nalang siya kay David kaysa ganito, nahihirapan siya, kahapon umuwi siya sa kanila, doon siya natulog, panay ang tawag ni David sa kanya, hindi niya sinasagot, kinausap niya ang ate Joana niya, sinabi niyang buntis siya, alam niya mahahalata ito ng ate niya dahil doctor ito, kaya bago pa mag tanong sa kanya, inunahan na lang niya, naki usap siya sa ate niya na kung pwede tulungan siyang maka alis ng bansa kahit sa Singapore lang, maghahanap siya doon ng work at doon na lang muna siya habang nag bubuntis hanggang sa maka panganak. Pumayag ang ate niya pero kailangan ipa alam ito sa buong pamilya niya. Nong una ayaw niya dahil baka magalit ang kapatid niyang si Noel, pero sa payo ng ate niya pinag tapat na rin nila. Siyempre, nagalit daddy niya, sinabihan pa siyang pag usapan muna nila ni David, pakinggan ang side nito pero buo na ang pasya niya, ayaw na niya, tama na ang sakit, mabubuhay naman niya ang anak niya, sa lahat ng ayaw niya yong nakikipag agawan, tama na ang minsan na nangyari ito sa buhay niya. Once is enough, two is too much. Kung para si David sa kanya, wala na dapat Angela o Carol na susulpot para sirain sila. Sawang-sawa na siya, tama na. Pag pasok niya inayos niya ang mga papeles na kailangan ni David, pati mga appointment, nilagay niya sa lamesa nito. Palabas na siya ng pumasok si David. “Love, can we talk?” tiningnan lang siya ni Jenna. “ano pag uusapan natin, ikukuwento mo ba ang mga ginawa niyo ng mga barkada mo, pati na rin nila Angela?” si Jenna. “Love, makinig ka naman, lahat ng sinabi niya hindi totoo yon, oo, ina amin ko ex ko siya at sorry hindi ko nasabi sayo na bumalik na siya, pero wala naman kami, kasama namin siya kasi ka barkada din niya yong mga college friends ko, pero wala kami.” Si David. “ahh ganon ba, kaya pala don siya natulog sa condo mo, na naka kamesola at walang bra. Ok din noh, friends with benefits. Okay lang ganon talaga siguro kayong magkaka ibigan”, “what do you mean?” “diba sinabi sayo ng ex mo humarap siya sa amin ni Kathy na walang bra at naka kamesola lang? at take note ha, nakita ko din pala kayo sa isang restaurant, ang sweet nga ninyo eh, may pa himas-himas pa sa braso mo. Ganon pala ang mag kaibigan sa inyo.” “Love, wala yon I can explain, please makinig ka naman” “hindi pa ba ako nakikinig? “Ang problem sayo kasi David, mag e-explain ka lang pag nalaman ko na, tino-torture mo muna ako sa kakaisip bago ka mag explain, Kung hindi ko kayo nakita sasabihin mo pa rin kaya sa akin, ha, David?” “Ni minsan hindi ako nag demand sayo dahil gusto ko kusa kang mag sabi, pero palagi na lang ba dapat mag tanong ako, bago mo sabihin sa akin?” si Jenna. “I don’t want to hurt you, Jenna, at saka hindi naman importante yon eh.” “ganon ba? so hahayaan mo akong mag mukhang tanga? Anything na tungkol sa relasyon natin, dapat alam ko pero ikaw hindi ka nag sasabi sa akin, nalalaman ko na lang sa iba. Ano ito gagohan?, nong nag text ako sayo,napipilitan ka pang sumagot,kung wala naman pala yon, bakit hindi mo masabi sa akin?hinid naman makitid ang utak ko para hindi ka maintindihan, all I want is magsabi ka lang, be honest, hindi yong nag tatago ka sa akin, ayaw kong dumating ang araw na nanghuhula ako, hintayin kung kalian ka magsasabi sa akin.” Si Jenna. Hinugot niya ang singsing na binigay ni David sa kanya, sabay abot sa kamay nito. “pag isipan mo kung ano ang gusto mo tsaka ka na magpakita sa akin.” Sabay talikod lumabas na siya sa office ni David, at dinampot ang bag sabay sakay ng elevator at bumaba sa parking lot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD