CHAPTER 3

1501 Words
DUMATING ang araw ng Team building nila sa Batangas, bale 3 days and 2 nights sila doon, isang malaking backpack lang ang dala ni Jenna, suot niya sando na fitted pinatungan niya ng polo at nag short nalang siya at rubber shoes, pero may dala siyang beach sandal, nagkita kita sila sa lobby ng building nila. Isang bus sila at yong iba sa Van na minamaneho ng driver ng company nila at kotse ni David. Gusto sana nila ni Kathy at Patrick sa Van silang tatlo, kaso sinabihan siya ni David na don siya sa kotse ni David sumabay, dahil mag isa lang daw ito walang makausap. Kaya wala siyang nagawa since secretary naman siya ni David. Habang sa biyahe, wala silang kibuan, hindi tuloy malaman ni Jenna kung matutulog o makikinig ng music, nag stop over sila sa highway at nag cr ang iba, bumaba siya at bumili ng makokotkot niya, nakasabay niya si Shella sa counter nong nagbabayad siya sa isang convenience store, pinaringgan siya. “Grabe yong iba diyan kunwari aayaw ayaw pa pero gusto din naman, ipokrita” sabay tingin sa kanya. Tinaasan niya ng kilay sabay talikod, pero inunahan siya ni Shella, binangga pa ang balikat niya. Muntik na siya matumba dahil may kasalubong din siyang isang babae. Hinawakan niya sa balikat si Shella, “Ano ba problema mo sa akin, Shella?, ina ano ba kita?” inismiran lang siya ni Shella, “bakit natamaan ka?totoo naman ah, type mo naman talaga si Sir David, pa demure ka pa kala mo hindi kita napapansin? Pati mga lalaki dito sa company inaakit mo.” Nakaka agaw na sila ng attention lalo na yong iba nilang kasamahan. Pilit na pag titimpi ang ginagawa ni Jenna. “huwag mo sagarin ang pasensiya ko Shella, hindi mo ako kilala. Baka mag hiram ka ng mukha sa aso.” “Aba, aba ang yabang mo din ano?” sasampalin sana siya ni Shella, pero nasalag ni Jenna, hinawakan niya ang kamay ni Shella at sabay tulak. Napa upo si Shella. Lahat ng pangyayari na yon nakita ni David, hindi niya akalain na matindi pala magalit si Jenna. Tinulungan na lang patayuin si Shella ng iba nilang kasamahan, bumalik sila lahat sa sasakyan at nag biyahe ulit. PAGDATING nila sa resort, pinag group sila para sa kanilang room assignment, since marami sila, ginawang tig 5 tao sa isang room, mabuti na lang at hindi niya ka room mate si Shella. Pagkatapos nilang magpahinga, tinawag sila upang mag lunch, at mag explore sa lugar at mga amenities. Suot ang short na maong at sando na pinatungan ng pulo at naka rubber shoes, bumaba sila ni Kathy para mag libot-libot kasama si Patrick. Maganda ang paligid dahil hindi pa masyadong expose sa mga tourist kaya konti lang ang taong dumadayo sa resort, more on for membership only, nagpa alam sandal si Patrik na pupunta muna sa restaurant ng hotel para tingnan kung san sila mag di-dinner, naiwan silang dalawa ni Kathy na naisipang mamasyal sa tabing dagat. Bigla na lang may sumulpot na mga kalalakihan mga 3 lalaki na lumapit sa kanila para maki pag kilala, nong una okay lang sana kaso yong isa mapilit na isama sila sa group nila, na tinanggihan nilang dalawa ni Kathy, tatalikod na sila ng bigla siyang hawakan sa wrist at pinlit na isama, natakot si Kathy dahil siya din ay hinarap ng dalawa, pero nagulat si Kathy, nang biglang natumba ang lalaking humatak kay Jenna, pag lingon ng dalawa pang lalaki, nagulat silang tunba na ang kasama nila, instead na pilitin sila, umalis na lang ang tatlo. Tiningnan ni Kathy si Jenna na gulat na gulat sa nakita. “Grabe ka Jenna, ang galling mo pala sa Taekwando.” Si Kathy, “wala yon.” Sagot ni Jenna, “natutunan ko yon nong teenager pa ako, may nag turo lang sa akin for self defense.” Tiningnan lang siya ni Kathy na parang hindi naniniwala. Nag kibit balikat na lang si Jenna. “Parang hindi naman, sa tingin ko marunong ka talaga, umamin ka”, tatawa-tawa lang si Jenna, “Oo na, marunong nga ako, black belt ako”, napa nganga si Kathy at nanlaki ang mata. “Totoo?” “Oo, pero huwag mo ipag sabi baka matako sila sa akin. Nag tuturo din kasi ako, sideline ko yan tuwing Saturday.” “kaya pala isang tulak mo lang si Shella, tumba agad, ha ha ha.” “Sira ka talaga, mahina lang nga yong tulak ko kasi pag nilakasan ko baka hindi na makatayo.”, “ buti nga sa kanya, ang arte kasi, siya nga itong puro papansin, inggetera pa.” PUMUNTA na lang sila sa restaurant ng resort at nasalubong nila si Patrick at sinabing nandon na daw ang iba nilang mga kasama. Pag pasok nila, pumunta sila kung saan naka assign na table para sa kanila, nagulat din siya dahil ka table nila ang boss nila. Iba ang tingin ni David sa kanya, may pag hanga siyang nakikita, hindi na lang niya pinansin. Habang kumakain, nahagip ng mata niya ang tatlong lalaki kanina na naka engkuwentro nila ni Kathy, siniko siya ni Kathy at tinuro sa kanya ang mga ito ng pumasok sa restaurant, since naka hilwalay ang group nila sa mga mag dinner kaya hindi sila napansin. Natapos ang dinner at nag usap ang mga team leader about the activity na gagawin nila. Kinabukasan maaga pa silang gumisang para umpisahan na ang activity, una nilang gagawin ay yong hanapin ang mga red flags na nakalagay sa paligid at kung sino ang may pinaka marami ang mananalo, at kung sino ang maka kuha ng white flags which is 3 lang yon na nakasama sa hahanapin nila, may extra price na i-a-annouce later at the end of the activities. Super excited silang lahat kasi looking forward silang lahat dahil para cash price ang premyo pareho ng mga nakaraan nilang team building. Ginawang tig five ang bawat group, kung sino na lang ang magkakasama sa room. Since 5 sila in a group naiisip nilang by two’s ang gagawin nilang pag hahanap at dahil may sobrang isa, sasama na lamang ito kung kanino niya gusto. Kaso kasama pala si David sa activity, kaya by two’s na sila sa group, pinili ni David na si Kathy ang makasama niyang mag hanap ng flags. Nakita ni Jenna ang mga mapanuksong tingin ni Kathy sa kanya same as the other member. Pero hinayaan na lang niya, pero deep inside kilig to the max siya. Nagawa naman nilang mahanap ang mga flags and their group won at dahil si Kathy isang naka hanap ng white flag, at isa naman siya, magkakaroon sila ng extra price, ang isang white flag ay nakuha ng ibang group. Pero sila yong over all na nakakuha ng maraming red flags. After that nag laro sila ng volleyball. Since marunong siya mag laro same with Kathy sinama sila. Their group also won. Pagsapit ng gabi nag decide ang mga team leader na mag gather at nag set sila ng bonfire. May nag isip ng laro na paiikutin ang isang bote pag natapat puwede siyang tanungin. Unang round na ikot natapat kay Shella. “Sino ang crush mo sa company?” yan ang tanong ng leader. Ngumiti si Shella at walang control o hiya-hiya “si Sir David’, sabay kilig. Natawa naman ang marami nilang kasamahan. Sunod na ikot si kay David naman natapat, “same ang tanong sir, sino naman ang crush mo dito sa company, kung maroon man”, “well, hindi na ako lalayo, since I really like her, masipag siya sa work, maganda at mabait. Si …… si Jenna.” Lahat nagulat, lalo na si Jenna, feeling niya ang pula-pula ng mukha niya, siniko siya ni Kathy, lahat nagulat, pero si Shella naiinis. “Ah…. Okey sir, mukhang ang daming type si Jenna sa office natin, hindi lang kasi kayo ang may crush diyan.” Sabi ni Terry na isa sa mga team leader nila. Naging awkward na ang feeling ni Jenna at David, natapos ang simpling game na yon na ibat-ibang tanong ang lumabas sa laro. Ang iba nagka tawanan na lang pero Jenna & David remained silent ngiti lang ang bawat tugon nila sa mga ginagawa ng mga kasama nila. Mga 10pm na they decided to call a day and sleep kaya tumayo na ang lahat at kanya-kanyang alis papuntang room assigned, ito naman si Shella, talagang naghahanap ng away, pina saringan pa si Jenna. “Wow, haba ng hair ng iba diyan, kaya pala kung umasta yabang kasi crush ni Sir.” Si Kathy ang sumagot, “inggit ka lang. kasi kahit sinabi mong crush mo si Sir, hindi ka naman crush.” Natawa na lang ang iba nilang kasabayan. “oo nga naman Sheila huwag ka na mainggit kay Jenna, ako na lang kasi. Ha ha ha”, sabi ni Steve na kasamahan din nila. “tse!, d kita type.” Sabay walk out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD