After ng pag-amin niya sakin ay mas lalong nadagdagan ang sweetness niya. Walang araw na lumilipas na hindi ako pinamumulahan ng mukha dahil sa kilig dahil sa mga sweet gestures niya.
Mabilis lumipas ang mga araw na lagi kaming magkasama at di ko nga namalayan na magdadalawang buwan na nga simula ng tumira siya dito sa condo ko.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya habang nakadungaw sa ginagawa niya mula sa likod.
Nilingon niya ako at hinalikan ang labi bago ibalik ang atensyon sa ginagawa. " Reviewer mo. Magpeprelims na, hindi ka parin ba papasok?" Tanong niya sakin habang bising-busy siya sa pagsusulat.
Siya lang kasi ang pumapasok sa University. Hindi ko talaga kinakaya ang bagot habang nakikinig sa lectures. Sinabi ko naman sa kanya na hindi niya na ko kailangan gawan ng mga ganyang reviewer pero siya ang nagpipilit. Gusto daw niyang sabay kaming grumaduate.
Lagi lang akong nakatambay sa Botique ko or sa opisina ni Annika. Hindi na rin ako madalas naglalagi sa Bar dahil nga lagi kaming magkasama sa bahay. Lagi kasing nasisira ang gabi niya pagnapunta kami dun dahil kung sino- sinong lalaki ang nagpapakita ng motibo sakin. Natatakot daw siya na baka may matipuhan ako dun at ipagpalit siya. As if naman na ipagpapalit ko siya sa f*cked boy. No way! Ang swerte ko na nga kasi all in one na siya. He knows how pl**sure me, he's the one who always cook for us, instant driver and body guard at ang sweetness niya na to the next level na parang magkarelasyon talaga kami.
Hindi namin madalas gawin ang bagay na yun. Nakukuntento lang kami sa Pahalik halik, Yakap at paglalambingan. Hindi ko din alam. Minsan hinahanap ko din yun at nauuwi kami sa ganung bagay pero kagaya nga ng sabi ko madalang lang.
"Papasok na ko bukas. Huwag mo ng gawin yan. Nagpapagod ka lang. " Sabi ko. Umupo ako sa kandungan niya paharap sa kanya at niyakap siya.
Niyakap niya ang isa niyang braso sa bewang ko at ang isa naman ay nakayakap sa ulo ko. Siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya at inamoy amoy iyon.
"Ang bango mo talaga." Sabi ko na ikinatawa niya.
"Nanlalambing ka na naman." Sagot niya habang marahang hinahamplos ang buhok ko.
"Higa na tayo? inaantok na ko eh." Sabi ko at lalo pang sumiksik sa kanya.
Tumango siya bago tumayo at naglakad papasok sa kwarto. inihiga niya ko sa kama at kinumutan bago siya humiga at pumasok din sa kumot. Magkaharap kami ngayong dalawa. Ginawa niyang unan ko ang braso niya habang magkayakap kaming dalawa.
"Punta tayong condo ko bukas? Lilinisan ko. Dalawang buwan na pala simula ng umuwi ako dun." Sabi niya kaya napatingala ako sa kanya.
"After class?" Tanong ko naman sa kanya.
Tumango siya at hinalikan ako sa noo. " Pero kung ayaw mo pwedeng ako nalang mag-isa. Maglilinis lang naman ako tapos uuwi agad ako sayo." Sabi niya at lalo akong niyakap papalapit sa kanya.
"Okay lang. Sasama ako. Gusto kong makapunta sa condo mo." Nakangiti kong sagot.
Ngumiti naman siya sakin at hinalikan ako sa labi. " i love you Brianna." Sabi niya na nagpangiti sakin lalo.
Sumiksik ako sa dibdib niya at pumikit ng may ngiti sa labi.
"i love you too." Sabi ng puso ko.
..
Maaga kaming pumasok sa University dahil marami daw siyang gagawin at ipapasa ngayon. Gusto nga niya sana mauna nalang siya pero sabi ko na sasabay nalang ako.
Nakahalumbaba ako dito ngayon sa opisina ni Annika. Wala pa siya dito pero may access kaming apat na kaibigan niya kaya nakakapasok kami dito kahit wala siya.
Naboboring na ko! Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Saint.
To: Saint
"Where are you now?"
Wala pang dalawang minuto ng magreply siya.
From: Saint
"i'm going to Library . Why baby?"
Hindi na ko nagreply at naglakad na palabas ng opisina. Guguluhin ko nalang siya sa Library. Nakangisi ako habang naglalakad.
Nakaupo na ko sa bandang sulok ng Library pero hindi ko pa siya nakikita. Napangiti ako ng makita siyang pumasok pero agad nawala iyon ng makita kong may kasama siyang babae at nakangiti sila habang nag-uusap. Napataas ang kilay ko at napahalukipkip ng braso habang nakasandal sa upuan.
Pinaghila niya ng upuan ang babae at mahinhin itong ngumiti bago umupo sa upuan. inilapag niya ang hawak niyang mga folder bago umupo sa tabi ng babae.
Napanguso ako habang nakataas ang kilay. Eto ba yung pinagkakabusyhan niya lagi? Tss.
Tumayo na ako at naglakad palabas ng Library. Nawalan na ko ng gana pumasok. i texted my friends at niyaya ko silang pumunta ng Bar mamaya. They replied 'Okay.
Sumakay na ko sa kotse at pinaandar na ito papunta sa Botique. Sisilip lang ako doon bago dumiretso ng Bar. Kailangan kong magliwaliw ngayon dahil sobrang nagngingitngit ang kalooban ko.
..
"Sayaw tayo Guys!" Yaya ko sa kanila. Nandito kami ngayon sa loob ng Bar. Usually, nasa VIP Room kami but i insist na dito nalang sa baba dahil may lalaking nakakuha ng atensyon ko.
"Susunod nalang kami Bri." Sagot ni Kyla habang umiinom ng alak.
"No, sabay sabay tayo. Come on Guys let's enjoy the night!" Nakangusong sabi ko. Umiling naman sila pero tumayo din kaya napangiti ako.
Nahawi ang ang mga tao na nasa Dance floor. Alam nila na ako ang may-ari ng Bar not knowing na apat kaming may-ari nito.
Ako, si Kylene at kyla lang ang sumasayaw ngayon sa dance floor. Nakahalukipkip lang si Annika habang nakatayo at si Athena ay nakangiting nakatingin lang din samin.
"Come on Annika, Huwag kang tumayo lang diyan sumayaw ka din!" Sabi ko habang tumatawa.
Tinaasan lang niya ako ng kilay.
"KJ as ever baby. " Sabi ko at pinapatuloy ang pagsasayaw.
Saglit pa kami sa gitna ng mapagod ay umupo na kami.
"Wooh! That was fun!" Sigaw ko at tinungga ang bote ng alak.
Nagtatawanan kami ng may magsalita kaya na patingin ako.
"Can we join Ladies?" Nakangiting tanong ng lalaking kanina pa nakikipagtitigan sakin.
Tumingin ako kay Annika to get her permission. Masyado siyang suplada buti nalang at sa huli ay napapayag ko din siya.
"i'm Franco, You?" Sabi niya at naglahad ng kamay.
Ngumiti ako sa kanya ng matamis at bahagyang yumuko para mas lalong maexpose ang clevage ko. " Brianna." Sagot ko at hinawakan ang kamay niya.
Nagkwentuhan kami habang tahimik si Annika. Tumayo lang siya dahil pupunta daw ng restroom pero alam ko naman na hindi na yun babalik. Maglalagi na yun sa opisina namin.
May dumating na kaibigan nila. Gavin daw ang pangalan. Naupo siya sa pwesto ni Annika kaya nagulat kami ng bumalik ito at nakatingin sa inupuan niya kanina.
Pinapalipat namin si Gavin pero hindi siya kumilos at nakipagtitigan lang kay Annika. Nagulat kaming lahat ng tumabi si Annika sa kanya.
Nakikiramdam kami sa dalawa at hindi naming naiwasang tumingin at laglag panga ng nakayakap si Gavin kay Annika at nakasiksik sa leeg nito.
"Don't over react." Sabi ni Annika at hinayaan lang na nakayakap sakanya si Gavin kaya gulat na gulat kaming walo sa kanilang dalawa.
Tinignan ko si Annika ng 'You need to explain to us Later' look. Tumango naman siya bago umirap.
Bumalik kami sa kanya kanyang kwentuhan ng magvibrate ang cellphone ko. Napataas ang kilay ko ng makitang tumatawag si Saint. Pinabayaan ko lang siya at ilang beses pa siyang tumawag bago ako makatanggap ng text.
"Where the hell are you Brianna?! Answer your phone!"
Sa uri ng text niya alam kong badtrip siya pero hindi ko parin siya rereplyan dahil mas badtrip ako sa kanya.
"Who's that. Boyfriend?" Tanong sakin ni Franco.
"Hmm. No. My brother. " Nakangiti kong sagot sa kanya.
Alas dose ng gabi ng mapagpasyahan na naming umuwi. Nagpasundo si Athena gamit ang Van nila kaya nakasakay kaming lahat. Hinatid muna namin ang mga boys sa sakayan bago kami ihatid isa isa sa bahay namin.
Pagbukas ko palang ng pinto ng condo ko ay madilim na mukha na agad ni Saint ang nakita ko.
"San ka galing? Kanina pa ko tawag ng tawag sayo. Hindi kapa nagrereply sa mga text ko. Papatayin mo ba ko sa pag-aalala?" Masama ang tingin nito sakin na para kong tatay na galit dahil ginabi ng uwi ang anak.
"Nag-aalala ka? Huwag mo kong patawanin Saint Lawrence. " Mataray kong sabi at hinawi siya para makapasok sa kwarto.
Sumunod lang siya sakin habang ako ay pabalyang nahiga sa kama. Pumikit na ng maramdaman na ang hilo at antok.
--*