Dear readers kung meron man hahaha.,
Sorry for slow updates. Nakadipende kasi ang pagsusulat ko kung ano ang pumasok sa imagination ko. Minsan nakakailang chapters ako sa isang sulatan but kapag ganitong sabaw hindi ko na pinipilit. Sana tuloy parin ang support niyo hehehe. And please read my 1st story "CHOOSING HIM" Complete na siya. Actually marami akong ongoing pero katulad nga ng sinabi ko nakadepende sa imagination ko kung may maaupdate ako o wala. Salamat sa pang unawa :)
-------+++--Samae Heart--+++-- ----
Katulad ng ipinangako niya ay iniwasan ang mga babaeng lumalapit at dumidikit dikit sa kanya. Nagtataka man sa kanya yung babaeng nakikita kong lagi niyang kasama na Yvette daw ang pangalan ay hindi siya nagpaliwanag. As in hindi na lang niya biglang kinausap. Buti na lang talaga ay hindi siya magaling lang sa isang salita at marunong siyang tumupad kundi makikita niya ang hinahanap niya.
Nakausap ko rin ang mga kuya ko at pupunta sila ngayon sa Condo. Hindi ko minention ang tungkol kay Saint basta ang sabi ko lang gusto ko sila makabonding. Hindi ko alam ang magiging reaksyon nilang dalawa pero mas uunahin ko ipakilala sa kanila si Saint dahil alm ko kung anu magiging reaksyon nila ay mas malala ang magiging reaksyon ni Daddy.
Umuwi agad ako para makapaglinis at makapaghanda ng makakain. Hindi ko na sinabi kay Saint dahil alam kong maaaligaga na naman siya. Nasa Campus pa siya dahil nga isa siyang ulirang studyante hindi katulad ko ay ayaw niyang may namimiss sa school.
Tapos na ako maghanda at maligo ng tumunog ang doorbell ko. Agad ko naman iyong binuksan at bumungad sakin ang dalawa kong gwapong mga kuya.
"Kuya!" Sinalubong ko silang dalawa ng yakap. Magkasunod silang humalik sa noo ko bago sila pumasok sa loob.
inabot sakin ni kuya Zion ang dala nilang nasa eco bag.
"What's this kuya?" Tanong ko at binuksan ang laman nito. Puro imported chocolates ito at mga favorite kong chips. ",Thankyou!" Nakangiting sabi ko bago pumasok ng kwarto at inilagay iyon sa center table.
Sumunod sila kuya sa kwarto at pabagsak na nahiga sa ibabaw ng kama ko. Lumapit ako at humiga sa gitna nilang daalwa. Niyakan naman nila ako at hinalikan sa ulo.
"Dalaga na ang Prinsesa namin." Sabi ni Kuya Zach na nagpangiti sakin.
Napakasweet talaga ng dalawa kong kuya. Kaya siguro malakas din ang loob kong gumawa ng kalokohan dahil alam kong may reresabak sakin sa oras ng kagipitan.
"Kuya wala ba kayong ipapakilala sakin na Girlfriend niyo? Promise bababaan ko na ang standard ko! Tumatanda na kasi kayo eh. Hindi na ko baby kaya kailangan niyo na din maghanap ng lalahian niyo." Natatawang sabi ko. Kumunot naman ang noo ni Kuya Zach.
"Your forever our baby right Zion?" Sagot nito at tumingin kay kuya Zion na tumatango.
" Bakit minamadali mo kami bigla? Nakakapanghinala ka ah." Sabu ni Kuya Zion na sinimangutan ko lang.
Saglit lang kaming humiga ng magyaya akong maglaro nalang ng Video Games. Feel at home sila dahil nagawa nilang maghubad ng damit at itira labg ang mga boxers nila. Siguro kung may ibang babae lang dito at makita ang mga kapatid ko na ganito ang ayos ay maglalaway o mahihimatay. Ang ganda kasi ng lahi namin kaya madaming nababaliw samin.
"Ano ba kuya magpatalo ka naman!" Nakasimangot kong himutok habang tutok na tutok sa nilalaro namin sa PS5.Naggigigil na ko. Kailangan ko atang pagpraktisan ito para sa susunod manalo na ko sa kanya!
Magkakampi kami ni kuya Zion pero hindi parin namin matalo talo si kuya Zach. Halos tatlong oras na kami dito at ni isang beses ay hindi pa kami nananalo. Kung hindi ko lang alam na busy ito lagi sa trabaho ay iisipin kong game addict ito dahil sa pagkaexperto nito sa mga larong ako mismo ang namimili.
"i win again." Nakangisi itong bumaling samin ni kuya Zion. Nakabusangot akong tumingin kaya ginulo niya ang buhok ko habang tumatawa.
"Ang daya mo dalawa na kami hindi ka parin magtalo. Umamin ka nga kuya, Adik kaba sa mga video games kaya hindi ka naggigirlfriend dahil mas nakafocus ka dun at walang sagabal?" Seryosong tanong ko sa kanya na ikinatawa niya ng malakas.
" Weak lang talaga kayo ni Zion ,Baby. Magaling ako sa lahat." Mayabang na sagot nito.
Napalingon ako palabas ng pintuan ng kwarto ng tumunog ang pinto sa front door. Yung tunog na pagnaa-unlock yung pinto.
"Baby, i'm home."
Narinig ko agad ang boses ni Saint kaya napatayo ako. Nabosesan ko ang pagod . Kala ko papasok siya diretso dito sa kwarto pero wala naman. Kunot noo akong tinignan ng mga kuya ko ng hawakan ang braso ko para pigilan ng hindi ako makaalis.
"Sino yun?" Madilim ang mukha ni kuya Zach habang nakatitig sakin.
"Ipapakilala ko siya wait lang." Sabi ko at pinabitawan ang braso ko para masalubong si Saint na nasa sala.
Naabutan ko si Saint sa sala at nakaupo sa sofa habang ang ulo nito ay bahagyang nakatingala. Nakasandal anv ulo nito at mukhang pagod. Tumabi ako sa kanya at hinalikan siya sa labi kaya napamulat siya ng mata.
Ngumiti siya ng matamis bago ako kabigin payakap sa kanya at amuyin ang ulo ko.
"i miss you baby. Bakit umuwi ka kaagad?" Tanong niya. Pumunta ang mukha niya sa leeg ko na nagpataas ng balahibo ko ng maramdaman ang paghalik halik niya doon at pasimpleng pagkagat.
"May bisita ako kaya umuwi agad ako para makapagluto." Sagot ko. Umalis siya sa pagkakasuksok sa leeg ko at inatake naman ang labi ko ng sabik n sabik niyang halik.
Saglit kaming natigilan at napalingon sa kwarto kung saan nanggaling ang isang tikhim.
Napakunot noo siya ng makita ang dalawa kong kuya na kasalukuyang topless at tanging mga boxers lang ang suot. Binigyan niya ako ng madilim na tingin pagbaling sakin. Tinaas kong dalawa ang kamay ko saka umiling-iling.
"Don't look at me like that! Mga kuya ko sila!" Depensa ko dahil sa naghihinala niyang tingin. "Sa tingin mo magdadala ako ng lalaki dito e dito ka din nakatira?" Dagdag ko pa.
"Dito siya nakatira?" Si kuya Zion. Masama ang tingin nito kay Saint na para bang anumang oras ay lalapain nila itong dalawa.
Lumapit ang dalawa kong kapatid at naupo sa harap namin. Napaayos naman ng upo si Saint at mabilis na pinasadahan ng dila ang labi bago tumikhim.
"Kuyas Don't scare him!" Nakangusong sabi ko. Hindi sila ngumiti kaya medyo kinabahan ako. Wala pa kong pinapakilalang lalaki sa kanila, first time ko ito.
Masama ang tingin nilang nagpalipat lipat sa aming dalawa ni Saint. "Explain this Brianna. " Seryosong sabi ni kuya na nagpakilabot sakin.
--*