(Zephyr’s POV)
HINDI makapaniwalang nakatitig lang ako kay Reese.
Lalaki siya?
Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko yun. Sina MIguel at Jodem na mismo ang nagsabi pero di pa rin ako makapaniwala. Natitiyak kong may mali.
I'm so sure na babae si Reese.
My instinct told me so at alam kong hindi ako nagkakamali sa mga ganitong bagay.
Totoong may mga diffinition talagang cute boy pero hindi ang pagiging cute ni Reese.
There's something in him that tells me he's a girl. Dahil kaya yun sa feminine pheromone niya na nakakapag-akit sa akin para magkaroon ng interest sa pagkatao niya?
May tinatawag naman talaga feminine pheromone. Mga karisma ng mga babae na tanging radar lang ng mga lalaki at boy at heart ang nakaka-detect. At sigurado akong straight ako at si Reese ang may deperensiya kumbakit ganoon kalakas ang tama ng pheromone niya sa akin.
Don't get me wrong. Hindi ko siya gusto. Interesting lang talaga siya.
The first time I saw him.
Babae agad ang pumasok sa isip ko. At hindi ako pwedeng magkamali. As I go near him, mas lalong lumalakas ang hinala kong babae talaga siya. Sa feature pa lang ng mukha niya at sa boses niya. I'm diffinitely sure.
He's a girl.
A girl in an all-boys school? That's the first thing that run in my mind when I thought of him.
Pero ngayon, naguguluhan ako.
Miguel and Jodem saw his private part. Na siyang maaring gawing patunay na lalaki nga ang isang tao o babae.
Maaring nagkamali lag ako.
Pero pwede rin namang alam nina Miguel at Jodem ang pagkataong yun ni Reese at pinagtatakpan lang nila ito dahil sa isang importanting bagay.
Importanting-importante that he had to lie about his real gender to everyone even in paper.
Whatever that something. I'll find out.
Basta hindi pa rin ako kombisidong lalaki nga si Reese.
There's always at trick to everything. At naniniwala ako doon.
"Sabi ko sayo diba? Ano? Bading ka?"
Nabalik ako sa diwa ko mula sa malalim na pag-iisip ng madinig kong magsalita si Reese.
Nakakaloko ang ngiti niya. Naroon sa mga mata niyang magaan ang pakiramdam niya kahit pa sabihing kitang-kita ko kung gaano siya ka-worried kanina. Kaya nga malaki ang tiwala kong babae nga siya.
"Talaga? Baka ikaw ang bading. Lantaran mo ngang tinitigan ang katawan ko kanina, diba?" tanong ko sa kaniya.
Kitang-kita kung paano mag-iba ang reaksyon niya sa sinabi ko. Tuloy ay di ko maiwasang wag mapangiti.
"Bakit? Masama bang ikompara ko ang Abs ko sa Abs ng iba?" balik tanong niya.
"Abs? Talaga? Muntik na ngang tumulo ang laway mo kanina eh."
Nagdilim ang anyo niya.
Nagsigawan sina Miguel at Jodem. Hindi dahil sa sinabi ko kundi dahil trill na trill na sa nilalaro ang dalawa. Halatang may sarili silang mundo.
"May abs ka pala?" dugtong ko.
He gave me a smirk then he stood up and grab the edge of his shirt.
Bahagya akong nagulat.
O wait! For real? Ipapakita niya ang katawan niya sa akin?
Seryoso?
“Watch and learn." aniyang naka-smirk sa akin sabay taas ng t-shirt niya.
Ngunit bago ko tuluyang makita ang pinagmamalaki niyang abs ay bumangga sa akin si Jodem. Na-out of balance ako kaya napadapa ako sa kinauupuan kong sofa.
"Oops. Sorry, Zephyr." Bulalas ni Miguel na tumatawa lang.
"Loko kang tao ka ah. Carried away masyado?" inis na asik ni Jodem kay Miguel na agad tumayo. "Syensya na pre ha?"
Umayos naman ako ng upo. "Ok lang," sagot ko saka agad kong tiningnan si Reese.
Nakababa na ang damit niya.
Tika, tika, tika!
Wala akong nakita eh!
"Kontento ka na?" tanong niya sa akin. Proud.
"Wala akong nakita," sagot ko.
Tinawanan niya yun ng pagak. Hindi siya nagsalita na inagaw lang ang PS3 kay Jodem na nakikipag-palitan pa ng sagot kay Miguel tungkol sa laro.
"Tabi mga ugok. AKo na naman." Naupo siya sa gitna. Natahimik naman ang dalawa.
Mangha pa ring nakatitig lagn ako sa kaniya.
Abala na siya sa pakikipaglaro ngayon kay Miguel na sumisigaw pa saka binabangga ang lalaki.
Napasaisip tuloy ako.
Although talagang malakas ang kutob kong babae nga siya. May mga galaw pa rin at actions na magdidiin na pwedeng lalaki nga siya. Pero pwede rin namang sanayin yun.
Malay ko baka may sa tomboy lang siya kaya madali niyang na-a-adopt ang actions ng mga lalaki.
Napasandal na lang ako sa upuan na napaisip na lang.
Bakit ko ba inuobos ang oras ko sa walang katotorang bagay na ito? Mapatunayan ko mang babae siya, wala rin naman akong mapapala.
But it's interesting to know na may real life pala talagang nagpapanggap na lalaki. Akala ko lang kasi sa mga koreanovela ko lang nakikita yun o di kaya'y sa mga anime.
Pero kung sakali mang totoong lalaki nga siya. Mapapahiya lang ako at baka mapagkamalang bakla.
Binalingan ko lang siya.
Babae pa rin talaga eh.
Bigla nitong hinagis ang PS3 ng matalo ito ni Miguel na nagtatalon pa sa tuwa at binigyan pa ng Loser hand sign si Reese.
"Talo you, ma' men!" proud pang wika nito.
"Oo na, panalo ka na." asar na sagot nito.
"Wala ka bang ibang laro besides dito, Reese?" taong ni Jodem.
"Nalaro na natin lahat ng game ko eh. Ano? Porno tayo?" tumawa pa ito ng nakakaloko.
Muntik na akong masamid sa sarili kong laway sa gulat ng nadinig ko sa bibig niya.
Tuloy ay pare-pareho silang napatingin sa akin. Kita ko ang anyo ni Reese na halatang nagpipigil na pagtawanan ako.
"Porno?" tanong ko.
"Bakit? Virgin ka?" tanong ni Reese na siniko pa ng bahagya si Miguel na pinigil matawa.
HIndi ako nakasagot.
Seriously?!
Ng wala akong sagot ay nagtawanan lang silang tatlo na nag-apiran pa. Hindi pa rin ako makagalaw sa sobrang gulat ng bigla akong akbayan ni Jodem.
"Virgin ka pa talaga?" tanong niya sa akin. Pabulong pero natatawa.
Tiningnan ko lang siya ng di makapaniwala saka kina Miguel at Reese na nag-apiran pa.
Ano ba ito? Ba't feel ko ako ang babae ngayon?? Di ko ma-reach ang pinag-uusapan nila.
Madalas ba talaga nilang gawin yun?
Even Reese?
Pero di ba nga babae siya?
O baka ako talaga ang mali.
Tuloy ay lalo akong naguguluhan.
"Sandali lang," Inalis ko ang pagkakaakbay sa akin ni Jodem. "Ano bang pinagsasabi niyo?"
"Oooiii, may girl side si Zephyr." Asar sa akin ni Reese na nakipagtawanan pa kinia Miguel at Jodem.
"Come on, Zeph. Para ka namang di lalaki." wika ni Jodem sa akin. "Reese, ilabas mo na yun." baling nito sa kaibigan.
"Ok,"
Lalo akong namangha.
May 'WTF' face na ako dito sa sobrang gulat lalo na ng tumayo si Reese at may kinuha sa ilalim ng cabinet. Naghalukay pa ito na halatang tinatago talaga.
"Ito o, " hinagis niya yung isang CD. At yun nga.
Hentai!
You know what's hentai diba?
Anime p**n.
"Play mo na." excited si Miguel.
Hindi ako umimik. Ganoon ba talaga ang ginagawa nila tuwing nagtatambay dito? Hindi naman sa mangmang ako sa ganitong bagay.
Na-shock lang talaga ako para kay Reese. Imagine, he's a girl pero minamani niya ang ganitong usapang lalaki ng mga lalaki. Seriously, how long have she been hiding her gender ba? A month? A year? O baka her whole life.
Baka nga talagang lalaki siya.
"Reese,"
Ganon na lang ang pagkataranta ng tatlo ng madinig ang boses na yun. Parang butiking agad na ibinalik ni Reese ang CD sa pinaglagyan non kanina. Saka naman namin napansing pumasok ang isang matangkad at guapong lalaki. Papa niya?
"Papa, napaaga ka?" tanong nito.
"May kukunin lang ako. Ayos ba kayo dito?" sagot tanong nito.
"Opo," sagot naman ni Reese.
"Hello po, doc. Siena." bati nina Miguel at Jodem. Parehong may tabinging ngiti.
"Kumusta." sagot lang nito.
Bigla siyag tumingin sa akin. Ang bait-bait ng bukas ng anyo niya idagdag pang magandang lalaki siya. Bagay na bagay sa kaniya ang propesyon doctor. In-fearness, kahawig niya kunti si Reese.
"Oh, ikaw yung transferee?"
Napatayo ako. "Kumusta po," bati ko.
Nginitian niya ako. "Ayos lang. Mabuti naman at may naging kaibigan ka agad. Sige, magsaya lang kayo dito." kaagad siyang nagtuloy-tuloy sa loob.
Hindi nakawala sa akin ang pagsulyap niya kay Reese na ngumiti lang. Ba't parang kakaiba ang titig na yun.
May meaning.
"Sus, sayang!" sambit ni Reese ng wala na ang ama niya.
Naikunot ko na lang ang noo ko. Nalilito ako.
Girl or boy?
Which is it?