Nang makita ko ang pulis na huminto sa tabi namin, agad kong naramdaman ang kaba sa dibdib ko. Ano kaya ang mangyayari kung pinahinto nila kami? Naalala ko ang mga nagdaang sandali sa pagmamaneho namin, at bigla kong naisip na baka lumabag ako sa speed limit. Hindi ko na kasi namalayan na lumakas ang takbo namin, si Glenn kasi ang nagkontrol sa Gasolinador. "Glenn, paano na 'to? Ikaw kasi!" bahala ka d'yan makipag-usap sa mga pulis, huh!" inis kong sabi kay Glenn. "Oo na nga, pero hindi mo kasi sinabi agad na may mga pulis," kamot sa ulo niyang sagot. "Paano ko sabihin, e naka-tingala ako sa ibabaw." "So ikaw may kasalanan, di ba? Sabi ko sa'yo, eyes on the road." "Ayyy putik naman! Gleen, mag sisihan ba tayo? Sino bang nag-simula?" Inis kong tanong sa kanya. "Ahh hehehe, ako, pe

