Pogi yon, eh, mukhang kuwago. Ang laki ng Mata Ano?
Napabungisngis ito, ah, basta mas crush ko yong Jake. Para sa akin, mas malakas ang dating niya,
Talaga malakas ang dating, bagyo pa nga sa lakas ng ere sa katawan. Akala mo kung sino porque de kotse at mayaman.
'awat na. Baka atakekin ka pa sa puso e, sa sobrang ngitngit mo sa lalaking yon!
Liam........usal niya. Napangiti siya nang maalala ang panyong naiwan sa kanya. Sabo niya lang na gagawin niyang basahan. Totoo' u itatagp niya iyon at iingatan.
Kanina nang ipunas niya iyon sa kanyang mukha. walang kasing bango. Halatang mamahalin ang pabango at panyo no Liam walang dudang imported!
Tantiya niya ay nasa beinte na ang edad nito. Binatang - binata na at artistahin ang tipo.............
Sa loob ng nunting silid ay tulirong naghahalukay sa lumang baul ng kanyang abuela ang kinse anyos na, si Catherine. Subalit matay mansiyang isipin ay mukhang wala siyang pakiknaabangan sa mga damit na naroroon
Bukod sa hindi na niya gusto ang klase ng telang makati sa balat - - - - —--—-dalawang beses niyang sinubukang isukat ang isang bestida —--------ay panahon pa yata ni kopong - kopong na uso.
Nakakainis! Wala talagang pupuwede. Kung sana'y may makita kami, baka mapagtiyagaan ko pang tastasin at baka - sakaling makabuo ako ng bagong bestida. Kayang - kaya ko nanan gayahin yong nakikita kong usong mga damit sa magazine na nahiram ko Kay Dina, aniya sa sarili......
Marami ngang damit si lola pero diyos namahabagin naman ang magiging itsura ko
Sakaling suot ko ang mga ito. Tiyak na pagtayawanan ako ng madla, hinagpis niya habang isa-isang ibinabalik sa baul ang mga nagkalat na damit sa sahig....
Kahit paano ay may ideya naman siya kung ano ang usong kasuotan ngayon. Kaya naman niyang mag - eksperimento komo sa utak pa rin niya ang natutunan niya sa Home Economics na may kinalaman sa pagsusulsi, pagtatabas at pananahi ng mga simpleng palda at blusa.
Buti sana kung costume party ang dadaluhan ko, pupuwede na ang isang ito, aniyang nakasimangot na itinaas ang isang bestidang diretso ang tabas pero mahahaba ang manggas na ang dulo'y de - ruffles. Mukhang costume ng babaeng alagad ni Drakula.
Hindi na nga yata ako makakapunta sa sayawan sa plaza mamayang gabi. Hay, pagkakataon ko pa naman sanang makita uli si Liam. Sigurado pa naman si kap na darating ang anak no gob.
Okasyon iyon na pinakahihintay niya at inaaabangan nang halos lahat ng tao sa buong Barrio nila - - - - - Lalo na ng mga kababaihan.
Napapikit siya upang ma - imagine ang hitsura ni Liam ngunit bigla na lang lumitaw ang balintanaw niya ang mukha ng kapatid nito si Jake!
Napqsimangot siya. Bakit ba sumisingit sa kokote niya ang kuwago na iyon? Si Liam lang at wala nang iba ang gusto niyang maging laman ng kanyang lantasya.
Mabigat ang dugo niya Kay Jake
Napatunayan niyang hambog, maporma at sobrang laki ang bilib nito sa sarili. Hindi lang iyon, marami rin siyang narinig na hindi magandang kuwento hinggil sa, asal ng bunsong anak ni Gob. Gutierrez,
Binansangan nga raw na BLACK SHEEP ng pamilya Gutierrez si Jake dahil laging nasasangkot sa gulo at dahil doon ay nabibigyan nito ng kahihiyan ang malinis na pangalan ng pamilya niya.
Mula nang makilala niya si Liam ay nagjaintetes na siyang alamin ang tungkol sa pamilya nito. Sa tulong na rin ng kaibigan niyang si Dina kaya nakakasagap siya ng mga karagdangang impormasyon tungkol sa mga Gutierrez.......
Si Liam Gutierrez ay ang maituturing na maamong tupa dahil na rin sa malaanghel nitong kaguwapuhan, maginoo at pinong kumilos, he is handsome inside and out.
Napag-alaman ni Catherine na ito inaasahan ng amang susunod sa yapak nito balang araw.
Nakikita na iyon sa binata dahil sa aktibo ito sa pagkajagawang - gawa sa pamamagitan ng iba't - ibang proyektong layuning makakatulong sa mga kabataan.
Likas na mabait at matulungin ang panganay na si Liam. Sa katunayan, ito ang gumawa ng paraan na makalikom ng pondong ipanagpagawa sa playground sa plaza at pati na ang covered basketball court. Nagkaroon ng buhay ang aaantok - antok Milan barrio. Hindi lang iyon may plano na rin palang ituloy ang pag0apaspalto sa kalsada sa barrio nila.
Sakali man na dumating ang panahong
Papasukin ni Liam ang politika, buong puso niyang ibobolontaryo ang kanyang sarili na ikampanya ito maski pa, sa bawat sulok ng pilipinas. Ganoon kasidhi ang paghanga niya rito....
Napangiti siya sa isiping iyon. Dahil doon ay Lalo tuloy siyang na-excite na makadalo sa sayawan sa plaza. Hindi maaring hindi, sigaw ng isip niya.
Sana payagan ako ni lola biglang namoriblemang sabi niya kasunod ang pagbuntonghininga.
Mula kasi nang mangyari ang masamang karanasan niya maraming taon na rin ang nakalipas kung saan ay napunta siya sa kamay ngnasasamang tao ay naging sobrang Mahigpit na sa kanya ang kanyang lola Graciana. Ayaw nitong nagpupunta siya sa plaza sa takot na may makakilala na naman siya ng mapagsamantalang tao.
May phobia na, ang lola niya dahil muntik na siyang mapahamak noon.
Tandaan mo apo, hindi mabait sa yo ang isang tao ay puwede mo nang pagkatiwalaan leksiyon na sa acting dalawa ang nangyari sayo
Dahil nagtiwala tayo sa babaeng yon, maniwala tayo sa matamis niyang pananalita kamuntikan ka tuloy mapariwara sa maynila. Iyon lagi ang madalas na sinasabi sa kanya ng kanyang lola.
Maya maya 'y narinig niya ang malakas na boses ni Dina..............
Catherine andiyan ka ba? Hindi nagtagal ay umuuga ang sahig ng kanilang kubo, palatandaang nakapasok na ito sa loob.
NA dito ako sa silid, aniya
Hinawi nito ang bulaklaking kurtinang nagsisilbing panabig ng maliit na silid. O ano, may isusuot ka na mamayang gabi
Napqsimangot siya, wala pa nga, eh
Ikaw, meron na ba?
Nangislap ang mga mata nito, ako pa, pahuhuli. Siyempre meron na. Eh, ikaw ba'y hindi ka pa makapili diyan sa mga damit na Yan ng lola mo?
Naman Dina tingin mo nga ang mga ito kaya mo kanyang magsuot ng mga ganitong tabas?
Itinaas niya ang isang bestidang may mga ruffles.
Napangiwi ito, ay ayoko n'yan masyadong bongga,
Iyon na nga. Tsaka hindi rin naman magkakasya sa, akin ang mga ito. Kasi maliit lang ang katawan ko. Kailangan pang i-adjust,
Hindi ka pa kasi bumili n9ong magtungo tayo sa bayan kahapon. Sabi ko naman sayo bumili ka na lang ng mura. Kahit mumurahin, hindi naman yon papansinin ni Liam mo. Mas titingnan noon eh, yong mukha mo,
Kinilig siya sa panunukso nito. Hindi lihim sa kaibigan niya na malaki ang pagkajagusto niya Kay Liam.
O ano, tara na't may oras ka pa para bumili sa bayan.
Nanghihinayang kasi ako sa inipon ko. Ayaw ko sanang bawasan, yon inilalaan ko yon sa aking pag-aaral sa kolehiyo,
Tange, alin bang mas importante sa'yo yong ipon mo o si Liam? Bah', kapag napaibig mo si Liam, suwerte mo. Mayaman na, eh, guwapo pa at mabait
Kapag ikinakasal ka sa kanya, wala ka sigurong gagawin buong buhay mo kundi ang magpapaganda at mahiga sa salapi., binuntutan nitong hagikhik.
Napahagikhik na rin siya. Mag kaibigan nga tayo, parehong matindi ang ilusyon natin tumigil ka na nga, Dina, ang Bata-Bata pa natin para sa pag-aasawa na agad yang laman ng isip mo.
O, bakit? Anong masama roon?
Hoy, marami pa akong pngarap sa buhay, gusto kung mag-aral sa college para matupad ang ambisyon kong maging isang sikat na tao?
Magiging sikat ka naman kapag nadikit ang pangalan mo Kay Liam. Mrs Catherine Liam Gutierrez, o di ba,
Madulas sa dilang bigkasin? "
Tse! irap niya rito. Tulungan mo na lang akong iligpit ang mga ito at baka abutan pa ako ni lola na kinalkal ang kanyang mga gamit,
Asan nga pala si lola Gracie?
Hayun may sumundo. Manganganak na raw yong asawa ni mang felimon.
Talaga naman, ang komadrona ng bayan parang hindi tumatanda sa sobrang sipag,
Naawa na nga, ako Kay lola sinasabihan ko na ngang tigilan na ang pagseserbisyo sa mga tao kasi madalas na siyang atakehin ng kanyang rayuma. Dumaing na rin minsan sa, akin na naninikip daw ang kanyang dibdib. Ayaw namang magpadala sa hospital sa bayan, gastos lang daw eh, kaya naman daw niyang gamutin ang kanyang sarili.
Para ka namang bago-bago sa lola mo. Eh hindi lang hilot si lola Graciana, ano, albularya pa!
Napabugtunghininga siya isa iyon sa hinahangaan niya sa kanyang lola tumutulong ito sa mga kababayan nila, nanggagamot, naghohilot ng mga pilay. Nagpapaanak nang walang hinihinging kabayaran. Palibhasa kasi'y lahat ng lumalapit dito ay pareho din nlang mahirap.
Problema ko pa Dina eh, kung papayagan ako ni lola mamaya.
Bakit naman hindi?
Dalaga kana, no!
Alam mo naman ayaw na ayaw ako noon na pinapupunta sa plaza. Tiyak kasing may mga dayo roon at dahil nga may espesyal na Okasyong gaganapin.
Dahil ba nag aalala siya baka may makilala ka naman na maaring mag hikayat sayo na isama ka sa maynila, ganoon ba?
Oo hindi ko naman masisisi si lola kasi nga yong nangyari sa akin noon.....
Maliit ka pa noon Catherine, masyadong Bata kapa madali kang maeengganyo ng taong yon
NA isama kapalit ang pangakong ibibili ka ng magagandang damit. Iyon pala, sindikato pala yon na nangunguha ng mga bata para pagkakitaan. Eh, palagay ko naman, hindi kana ganoon kadaling utuin Catherine yon ang ipaliwanag mo sa lola mo
Sinasabi ko naman yon sa kanya Dina....
Hindi na ako bata, kaya ko nang pangalagaan ang sarili ko.
Tama kaya kung gusto mo talagang makadalo sa sayawan at makita si Liam, galingan mo ang pagkumbinsi sa lola mo na payagan ka!
Nang gabing iyon, kahit paano lumutang ang Ganda ni Catherine sa simpleng bestidang pink. Pero nang makita niya ang mga nagbobonggahang kasuotan ng ibang Dalaga, Lalo na iyong mga dayo ay bigla siyang inurungan ng tapang. Nagmumukhang basahan ang suot niya kumpara sa mga ito. Pati nga cologne na iwinisik niya sa katawan ay mumurahin. Sabi ng lola niya masangsang daw ang kanyang pabango......