“SIGURADO ako, Hailey. May kakaiba sa libreriang ‘yon, believe me.” Ibinaba ni Ariana ang iniinom na red wine. Nasa isang ristorante ang magkaibigan at kasalukuyang ini-enjoy ang aperitivo o appetizer ng mga ito.
“There you go again, bella,” anito gamit ang usual endearment nito sa kaibigan. “Baka naman tama si Matilda at nakatulog ka sa trabaho kaya parang nananaginip ka pa?”
Umiling nang sunod-sunod ang dalaga. Hindi alam ni Hailey ang tungkol sa espesyal na kakayahan ng kaibigan. Isa iyon sa natutunan ni Ariana sa mga kaibigan nitong pari at mongha. Hindi daw lahat ay magagawang tanggapin at maunawaan ang espesyal na kakayahang tulad niyon kaya makabubuting huwag nang ipaalam sa lahat. “Mahirap ipaliwanag pero dinig na dinig ko. Alam kong may kakaiba talaga sa silid na iyon pero hindi ko alam kung may pagkakataon pa akong alamin kung ano, dahil mahigpit ang bilin ni Matilda na huwag papasukin ang library.”
“Don’t waste your time with that old place, my dear. If I were you, hahanap na lang ako ng ibang trabaho. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto mong makapasok doon, e marami namang trabahong alam nating naghihintay sa’yo, knowing your outstanding credentials.”
“How many times do I need to tell you that I love museums? There’s a void inside me that is filled every time I go to work. I’m on the right path, okay.”
“Okay, if you say so.” Nagkibit ng balikat si Hailey at muling sinimsim ang wine nito.
“So what’s up with you and Matteo? Kailan ang kasal?” pag-iiba ng usapan ng dalaga. Si Matteo Correli ay apat na buwan nang fiancè ni Hailey. Isa itong Filipino-Italian historian and professor. Gayonman, tatlong taon na ang relasyon ng dalawa at nagsimula iyon sa isang long distance relationship. Matagal na namalagi si Matteo sa Pilipinas at Dubai pero nang magbalik ng Milan, limang buwan pa lamang ang nakararaan ay na-engage na nga kay Hailey.
“I’m not sure with his plans. Sa tingin ko, bibilang ng taon because we’re currently both busy. It’s fine to both of us, anyway.”
“Non ti credo,” anang dalaga na ang kahulugan ay hindi ito naniniwala sa sinabi ng kaibigan.
“Bakit naman? Mukha bang gusto ko nang mag-asawa? Tinanggap ko lang ang proposal ni Matt dahil...dahil...”
“Dahil...?”
“Dahil gusto ko! Pero hindi ibig sabihin ay gusto ko nang pakasal sa kaniya.”
“That’s weird, though. Ako kasi, kapag umoo sa marriage proposal ng future husband ko, anytime na iyon. Pakakasal kami kahit anong oras niya gusto.”
Malakas na napatawa si Hailey. “Marami pa akong flower shop na itatayo sa iba’t-ibang panig ng Milan, bella. I’m currently busy expanding Bel Fiore, and you know that.”
It was her turn to smile. Hailey was a hard-working gal of her generation. Ang ama nito ay isang Chinese at ang ina ay isang Fil-Italian citizen, nagmamay-ari ng malawak na winery na gumawa rin ng sariling pangalan sa Italia. Mayaman ang pamilyang pinagmulan nito pero pinili nitong gumawa ng sarili nitong pangalan at pagkakakilanlan gamit ang sipag at diskarte nito. Nagtayo ito ng flower shop na nagsu-supply sa malalaking supermercato tulad ng Esselunga, Lidl, Bennet, Conad at Carrefour.
Ang Bel Fiore din ang nasa likod ng malalaking event sa mga five star hotel na may naggagandahang flower set up and arrangement. Nakakatuwang ang isang flower shop ni Hailey noon ay lumago na ngayon at nag-branch out.
Sa kasalukuyan ay dalawampu at pito na ang sangay ng Bel Fiore. Kalahati ng bilang ay matatagpuan sa Roma.
“What if one day, magsawa si Matteo sa paghihintay sa’yo at maisipang sa iba na lang magbigay ng bulaklak? Mapapasaya ka ba ng Bel Fiore?” tudyo ni Ariana sa kaibigan.
“If that will happen, that only means that we’re not really meant for each other. Mas madaling tanggapin iyon kaysa sa pagbagsak ng Bel Fiore.”
“That simple?” Hindi makapaniwalang tanong ni Ariana. “Are you sure?”
“Sono molto sicuro!”
“You’re kidding, right?”
Nakangiti itong umiling-iling. “Nope.”
“Cheers to Bel Fiore!” natatawa na lang na sabi ni Ariana sabay pingki ng goblet nito sa goblet ng kaibigan.
NAKANGITING pinatay ni Matteo ang cellphone na hawak. The caller was his fianceè, Hailey Chong. Itinanong nito kung puwede nilang i-move ang dinner date nilang naka-set sa gabing iyon. As usual, he said yes. He knew she was too occupied and so was he. Walang puwang ang hindi pagkakaintindihan at away sa relasyon nila. Siguro ay dahil matured naman silang pareho. He was so lucky to have someone like Hailey. She was different from other women who were possessive and insecure. His Hailey was always confident, poised and knew exactly what she wanted.
“Kapag ganyan ang ngiti mo, hindi ko alam kung paano kong sasabihin may memo ka galing sa dottoresa.”
Nalingunan niya ang kasama sa trabahong si Henry. Itinuro nito ang kaharap niyang laptop. Binuksan niya iyon at binuksan ang website ng università. He was right, there was a memo intended for him.
“That’s barely a few days from now, pare.”
“This is actually good news; I’m ready for this,” aniyang ang tinutukoy ay ang nalalapit na taunang school event na kung tawagin nila ay Festa di Febbraio. Sa kaniya kasi nakatoka ang pag-aasikaso sa malaking event na iyon.
“Paano ang plano mong pagpunta ng Switzerland ngayong Primavera?”
“That can wait,” nakangiti niyang tugon.
Napailing si Henry sa bitin niyang sagot. “Ano ba talaga meron sa event na ‘yan? Kinausap mo pa talaga ang preside para lang diyan. Kung may dagdag na bayad ‘yan, maiintindihan ko pa.”
Isang ngiti ang isinukli niya rito habang napapailing.
“Ano nga?”
“Wala. Masaya ang event na ‘yan kaya gusto kong hawakan, that’s all.”
“I’m not buying that,” tudyo nitong hindi makapaniwala.
Iiling-iling niyang isinara ang laptop at saka inayos ang mga gamit. Ilang sandali pa ay palabas na siya ng laboratorio, kasabay si Henry.
MATTEO CORRELI was a Fil-Italian historian who had finished his Masters Degree in History and Archeology in London. He used to travel a lot because of his craft. Hindi na mabilang sa daliri ang dami ng mga bansang napuntahan niya para lang maghanap ng mga artifacts, mag-attend ng exhibit at collections ng mga sikat na archaeologist sa iba’t-ibang panig ng mundo, partikular sa Europa.
Nagsinungaling siya sa sagot na ibinigay niya sa makulit na kasama sa trabahong si Henry, na tulad niya ay isa ring Filipino. Wala kasi siyang planong sabihin sa iba ang tungkol sa secret mission niya, ang alamin ang tungkol sa Project D’Oro. Isang proyektong pinagplanuhan, ginastusan at pinagtiyagaang aralin. Nakahanda siyang gawin ang lahat, matuklasan lang ang lahat ng kasagutan sa maraming niyang tanong, at ang PDO ang magbibigay ng kaliwanagan sa lahat ng mga pangyayaring laman ng isip at panaginip niya, may sampung taon na ngayon. He was Matteo Correli and he wouldn’t miss that Project D’Oro for anything in the world.