"Yllana Herrera, saan mo ba ako dadalhin? Baka bumuka 'yong tahi ko," reklamo ni Vladymir habang nagpapatianod sa hakbang ng dalaga. Piniringan kasi siya nito at hindi niya makita ang pinupuntahan nila. Mahigpit ang hawak nito sa kamay niya at pansin niya ang panlalamig ng mga iyon. "Secret nga. Ang kulit mo, Vlad." Tatlong buwan na rin simula noong nagising siya mula sa pagkaka-comatose. He has been recovering day by day, with Lana by his side. Sa katunayan nga ay bukas na ang kasal nila. Magarbo ang gustong kasal ni Igor kaya naman wala silang nagawa pareho kung hindi ang sumunod sa kagustuhan ng ama. Nagkaayos na muli si Vladymir at Igor. Nalaman na niya ang totoong motibo nito sa likod ng trabahong pinagawa nito sa kanya. Kahit na ganoon ay hindi magawang magalit ni Vladymir. Kung

