Tahimik na piangmasdan ng dalaga si Vladymir na nasa loob ng ICU. Stable na ang lagay nito ngunit may posibilidad pa rin na hindi magising ang lalaki, lalo na at malaki rin ang natamong pinsala ng katawan nito. And all that Lana could ever do is to pray. And wait. Malungkot siyang napangiti habang pinagmamasdan ang nahihimbing na mukha ng nobyo. Bagaman nagtamo ng maraming sugat at pasa sa katawan ay napakakisig pa rin nito sa kanyang paningin. Katulad na lamang noong unang hatinggabi na nagkakilala sila. Noong hatinggabi kung kailan nag-umpisa ang lahat. Ang hatinggabi ng buhay niya na akala niya ay hanggang doon na lamang. Sino ba namang mag-aakala na ang isang Vladymir Krasny na kumitil ng buhay ng hindi mabilang na mga tao at tila berdugong walang awa at puso, ay luluhod at magsasakr

