Nang idilat ni Vlad ang kanyang mga mata ay ang mukha ni Yllana ang unang bumungad sa kanya. Parang siyang nabato sa pagkakahiga. He cussed under his breath as the memories of midnight suddenly dawned to him. Si Yllana. Lumapit sa kanya. The sexy dance or whatever it was before she kissed him. Before she made him give into his desires. Before she took his virginity. It sounded dramatic, Vlad knows. Ngunit ang tanging tumatakbo lamang sa kanyang isipan ay ang habilin sa kanya ni Igor. Hindi niya pa man nauumpisahan ang trabaho niya ay nagkamali na siya kaagad. Hindi niya lang ito basta nahalikan, nakasiping pa at heto't yakap-yakap niya sa ibabaw ng kama.
Ngunit hindi siya magsisinungaling. Ginusto niya ang nangyari. Hindi niya ikakaila na ginusto niya rin namang magpaakit sa dalaga. Na bumigay sa mga halik nito. Lalo na nang paligayahin siya nito. Yllana was damn good. Wickedly good, to be precise. Nakapa niya ang kanyang mukha. Suot niya pa rin naman ang kanyang maskara. He let out a deep sigh. What happened at midnight was insanely extreme. Dirty and f*cking erotic. Iyon lang ang natatanging maruming trabaho na nagustuhan niya. Kung trabaho nga ba iyong maituturing.
He softly caressed her smooth skin underneath the covers, making her moan in her sleep. Nararamdaman na naman ni Vlad ang kakaibang sensasyong lumulukob sa katawan niya. Nagising na naman ang mga demonyo niyang kagabi lamang ay itinulak siya sa sitwasyong iyon. Bago pa man mapadpad sa kung saan ang isip niya ay bumangon siya at pinulot ang boxers na nakakalat. Pati na rin ang trousers niya at puting pang-itaas. Pagkatapos ay nagtungo sa banyo para maghilamos. Kailangan niyang magising. Kailangan niyang magbalik sa huwisyo. At pigilan ang sarili na tikman muli ang init na dulot ng anak ng kanyang kinagisnang ama. She's supposed to be f*cking off-limits, if he remembered correctly. His only duty was to bring her back to Igor, right? And Igor told him not to kiss and f*ck his daughter. But too late. It's too late for that. He has already broken one of the rules of his job, that single rule he thought was easy to do.
Bago lumabas ng banyo ay isinuot niya muli ang maskara niya at nagbihis. Minumura ang sarili. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Nagkaanuhan na sila. It was just one wild night and it shouldn't affect his job. His one, f*cking job.
Nang matingnan ang dalaga ay nakatalikod na ito sa kanya. Ang makinis na likod nito ay halos tuluyan nang lumitaw mula sa pagkakatago sa ilalim ng kumot. He glanced at his watch. Alas onse ng tanghali.
Napamulagat si Vladymir nang makita ang oras. Alas onse? Sarado na ang Red Angel! And his one heck of a brother Nikolai didn't even bothered to wake him up. Lunes pa naman ngayon at...
Napalingon siya kay Yllana. She's supposed to be in her job today! Nilapitan niya ang dalaga at marahang tinapik. Pakiramdam ng lalaki ay puno siya ng kapalpakan noong umagang iyon.Magulo ang utak ni Vlad at hindi na niya alam kung may ibabaliw pa ba ang mga pangyayari.
"Temptress, wake up," mahinang yugyog niya rito. Kulang na lang ay ipikit ni Vladymir ang kanyang mga mata upang hindi makita ang katawan nito. Inulit-ulit niya ang pagyugyog dito hanggang sa marahas itong umungol na tila nagrereklamo.
Nang idilat ng dalaga ang mga mata nito ay napabalikwas ito ng bangon nang makita siya. Dali-daling tumingin sa wrist watch niya.
"Alas on—"
"You're late on your job, Ms. Herrera," saad niya. Hindi niya alam kung ano pa ba ang sasabihin. Sasabihin niya ba rito na magaling itong gumiling? Malamang ay hindi, hindi ba? Hindi siya eksperto sa ganito dahil una niya itong karanasan at mas lalong ito rin ang pinakaunang pagkakataon na makikipag-usap siya sa babae.
"Bakit... bakit mo ako kilala?" nagtatakang tanong nito. "I was drunk last night but I knew I didn't told you my name..."
He swallowed hard before talking again. Fear was painted on Yllana's eyes. And Vlad can't explain why it hurted him to see her stare at him like that. "I'm Vlad. Vladymir Krasny. One of your adopted broth—"
"Krasny?" Ang tono nito ay napalitan ng pagkamuhi. "Oh. I didn't know. Well, nice to meet you, Mr. Krasny. I'll be going now," dire-diretsong saad nito bago tumayo at pinulot ang mga damit nito at nag-umpisang magbihis habang nakatalikod sa kanya.
"Yllana, can we talk for a second?"
"Sabi mo nga, late na ako sa trabaho ko. Kailangan kong magmadali."
Nahagod ni Vlad ang batok niya. Great. After one hot night, she became cold. Ang kailangan niya lang gawin ay ibuka ang kanyang bibig at ipakilala ang sarili rito. Kailangan niya lang ipakilala ang sarili niya na siya ang ampon na kapatid nito sa ama at...
Mabilis niyang nahablot ang braso nito nang akmang lalabas ito ng pinto.
"Let go of me, Mr. Krasny. One night stand lang naman 'to, at hindi ako naghahanap ng dagdag na sakit ng ulo," matapang na saad ng dalaga. Nakipagtagisan ng titig sa kanya. Ang abuhing mga mata nito ay tila mga kutsilyong kahit na anong oras ay tatarak sa dibdib niya.
"I need to talk to you, Lana."
"Well, I don't need to talk to you. Goodbye."
"Hinahanap ka ni Papa," ang mga katagang tanging naisambit ni Vlad dahilan para matigilan ang dalaga. Iniiwas nito ang tingin nito sa kanya. "Father is looking for you, Lana."
Tumawa ito. Parang nakakaloko. "At anong gusto mong maramdaman ko? Matuwa? Mabuhayan ng loob na naaalala pala ako nng tatay ko? Wow, great! Ang galing! O, ano? Puwede na ba akong umalis, ha?"
Nagbabaga ang mga mata nito. Hindi iyon iba kay Vladymir. Inaasahan na niya na may galit ito kay Igor ngunit hindi niya malaman sa sarili niya kung bakit ang simpleng kaisipan na pati sa kanya ay galit ito ay nagdudulot ng mabigat na sensasyon sa kanyang dibdib.
"Lana, just... give him a chance. Father really wants to see you. Hindi ka ba natutuwa na—"
"Natutuwa na ano, Mr. Krasny? Na pinuno ng mga sindikato ang tatay ko? Na iniwan niya ang nanay ko para sa mga negosyo niya? Na halos sumuka ng dugo ang nanay ko para lang maitaguyod ako sa pag-aaral ko? Na... na ikaw... p*ta." Nasabunutan nito ang buhok nitong bahagyang maalun-alon. "Tell your father I don't want to see him. At kalimutan mo na ang nangyari kagabi, Mr. Krasny. I'll do the same."
Pagak na natawa si Vladymir. "You want me to forget what happened last night? After you tempted me, made me f*ck you, you want me to forget, Lana?"
Sinalubong siya ng mga abuhing mata nito. "Oo. Kalimutan mo na na nakilala mo ako, o ang nangyari kagabi, lahat! Don't pester my life, Mr. Krasny. Because I'm doing great without any connections with your goddamned clan!"
Sa panggigigil ay nahawakan ni Vlad ang magkabilang panga nito at siniil ng halik. Napasandal ang dalaga sa pinto. Never in his life did someone raised their voice on him. Kahit na ang makipagtalo ay walang sumubok, 'ni si Nikolai o si Igor ay hindi man lang iyon ginawa. He is Alexei Vladymir Krasny, after all. The monster hidden under a white mask. The ruthless, merciless, savage Vladymir Krasny.
Ang mga paghampas nito sa dibdib niya ay unti-unting humina. He punished her with his lips, made her suffer with his wild kisses. Naitukod niya ang isang kamay niya sa pader habang nakahawak ang kabila sa panga ng dalaga. Tuluyan nang tumigil ang paghampas nito sa kanyang dibdib. Ngunit hindi nakikita ni Vlad ang sarili na tumitigil. He continued to ram his lips against hers, knowing and hoping that it might change her mind.
Naglandas ang kamay niya sa dibdib nito at mariing pinisil iyon. Mas lalo itong napaatras. Mas lalong napadikit sa pader. Hindi makontrol ni Vladymir ang sarili niya. Lalo na kapag kaharap si Yllana.
Nang mariin nitong kagatin ang labi niya ay mabilis siyang napalayo. Napamura. Nalalasahan niya ang dugo mula sa mga labi niya. Hindi pa ito nakuntento at lumapat sa pisngi niya ang palad nito.
"You f*cking asshole!" mura nito sa kanya. Lana's face was painted with deep red. "Putragis, ano bang problema mo? Problema niyo? Leave me alone, for Pete's sake! I've been living the last twenty-five years of my life without any connections with you, Krasnys. And the last thing I wanted now in my life is to let my father grab me by the neck!" nanggagalaiting bulyaw nito.
Bago ito lumabas ng silid ay tinapunan pa siya nito ng masamang tingin. "Forget that this ever happened, Mr. Krasny. Do me a f*cking favor and forget that this ever happened."
Nang pabalyang isara nito ang pinto ay bahagya siyang napangisi at pinunasan ang nagdudugong labi. It never occured to him that one angry woman can look so f*cking attractive to his eyes. So f*cking attractive he knew he won't be able to fulfill her request.
Isang gabi lang naman iyon, ngunit alam ni Vladymir na ang gabing iyon ang pinakahindi niya makakalimutan sa buong tanang buhay niya.