"WHERE ARE YOU GOING?!"
"M-May bibilhin lang.."
"Bawal nang lumabas ng bahay. It's already home quarantine."
Shit!
Sobrang sakit na ng puson ko at kailangan ko na ng gamot para sa dysmenorrhea ko. Pero paano ako makakabili kung kahit paglabas ko lang bawal?! Aba't!
"Mabilis lang naman, eh.."
"No."
"Malapit lang naman, eh."
"Still no."
Naiiyak na ako. Argh! Badtrip 'tong tanod na 'to ah?!
"Edi 'wag!" Sigaw ko sabay talikod. Bwesit!
Nagmartsa na ako pauwi nang marinig ko ang malulutong nitong pagmumura. Naks, sosyal! Yung tanod, nagmumura ng english. Fvcking-fvcking pa siya, eh.
Nagulat ako nang may yumakap sa akin mula sa likod. WTF?!
Sasapakin ko na sana pero hinawakan niya ako sa braso.
"Don't move."
"H-Huh?"
A-Anong gagawin niya sa akin? potA. Mahal ko pa buhay ko!
Iniwaksi ko ang kamay ko at pilit kumalas sa kaniya. "A-Ano ba---"
"I said don't fvcking move!" A-Anak ng..
"Eh, kung bitawan mo na kaya ako? Ikaw ha, tsansing kang tanod ka! Crush mo 'ko 'no?!" Sigaw ko.
Nakita ko kung paano namula ang tanod. Mestiso 'to kaya halatang-halata na namumula.
"W-What are you going to buy? Ako na ang bibili. J-Just... J-Just fvcking change you clothes."
"A-Ano---"
"May tagos ka.."
WHAT THE FVCK!
Mabilis itong umalis sa harapan ko ng walang sabi-sabi. Naningas ako. M-May tagos ako?
Bago pa man ako maka-alis. Iniabot na niya sa akin ang plastic bag.
"A-Ano 'to?"
"That's your sanitary pads. Including your meds for your dysmenorrhea."
Bumilis ang t***k ng puso ko. Shet!
Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.
"I love you, love. Thank you dito, ah?"
Namula siya. "I-I love you too.."
That tanod is mine. Only mine, hanap kayo ng sarili niyong tanod.