12 || Twelfth Meeting ||

2425 Words

Napakunot ang noo niya nang may lumapit na pamilyar na babae kay Benedict. “Ibang babae na naman?” hindi niya makapaniwalang sabi sa sarili. “Hoy! Anong binubulong-bulong mo?” Biglang kalabit sa kaniya ni Sofia. Nagpabalik-balik ang tingin niya kay Sofia at kay Benedict. Tiningnan naman ni Sofia ang direksyon na tinitingnan ni Danica. “Kilala mo?” tanong nito sa kaniya. Tumango si Danica. “Class A,” maikli niyang sabi. “Baka may practice rin sila,” sagot ni Sofia sa kaniya. Naniningkit ang mata ni Danica. Ayaw niya mag-isip ng masama kung pinopormahan man nito si Rain. Kaya dali-dali niyang kinuha ang cellphone at nag-message sa group chat nila. (Habang naglalakad ay nagtitipa si Danica) May practice kayo? Nakarating sila sa convenient store nang makatanggap ng reply si Danica.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD