Lumipas ang tatlong araw magmula noong performance nila. Ang Class A ang nanalo. Gusto pa sana siyang lapitan ni Ezekiel para tanungin noong araw na iyon pero hindi na nito nagawa dahil sa tinawag ito ng professor niya. Kaya naman kinabukasan ay inulan siya nito ng tanong nang pumunta siya sa main campus. Hindi na nga sana niya balak pang magpakita pero hindi niya naman maiwasan dahil magkakasama ang pito na humarang sa kaniya. “What happen to you yesterday?” panimulang tanong ni Fern, ang panganay niyang kapatid. “Wala namang nangyari sa akin kahapon, ah,” patay malisya niyang sagot. “Anong wala? Kitang-kita ang iyak mo kahapon sa lobby,” kunot ang noo na sabi ni Ezekiel. Minatahan niya ito na tinaasan lang siya ng kilay. Pumikit siya ng mariin saka bumuntong-hininga. “Seriously? Di

