Matapos nila Danica sa boutique ni Tita Keith ay agad din silang umuwi. Inasikaso niya ang research papers nila for finalizing and printing it. Nag-message rin si Lumiere na na-move ang schedule ng defense nila the day after tomorrow kaya naman may isang araw pa sila ulit para mag-proofread. Kinabukasan naman ay una niyang ginawang puntahan ang university para sa portfolio ng group nila. Kasalukuyan na nasa main campus si Danica para i-check ang mga binder nila sa immersion. Kumatok muna siya pagkarating. “Good morning, Ma’am Mavy,” bati niya pagkabukas ng pinto ng faculty. “Hi, Danica! Pasok ka,” nakangiting wika ng teacher. Naglakad si Danica hanggang sa makarating sa table ni Miss Mavy. Nang ilibot ni Danica ang tingin ay si Miss Mavy lang ang professor na nandoon. Paniguradong m

