Nakatitig lang si Danica kay Benedict habang hawak siya sa braso nito. “I’m sorry kung nabigla kita. I just can’t stop thinking about you. I can’t stop myself from talking to you. Gusto ko lagi kitang nakikita. Ginaganahan ako gumising araw-araw dahil alam kong makikita kita—“ “Stop!” pigil ni Danica sa iba pang sasabihin ni Benedict. Naiilang na siya sa mga sinasabi nito. Itinaas niya pa ang kamay niya para pigilan sa pagsasalita ang binata. “After knowing you from other people, I want to know you myself because you inspired me to be a better person, Danica,” pahabol na sabi ni Benedict. Napabuntong-hininga naman si Danica. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya kay Benedict na hindi ito masasaktan. At nang maalala ang ibinigay ni Benedict sa kaniya na tuwalya ay mabilis na bumuk

