“Sino ‘yan?” curious na tanong ni Rose na nakasilip sa amba ng pintuan. Walang sumagot sa kanila dahil hindi rin nila kilala ang naka-mask na lalaki na nagbubukas sa gate. Bahagya pa silang kinabahan kaya mahigpit silang napahawak sa mga hawak nilang gamit para gawing pananggala kung sakaling masamang tao ito. Puro pa naman sila babae sa bahay na iyon at may matanda pa silang kasama. Tutok na tutok silang lahat sa pagtanggal ng lalaki sa mask at cap na suot niya. “Am I late?” Natigil sila sa ginagawa dahil sa biglang pagsasalita ng taong iyon nang maaninag nila kung sino ang may gawa ng ingay sa gate. Gumaan ang pakiramdam nila sa pamilyar na boses na iyon. Kaya naman bumalik na sa loob ng bahay ang ilan sa kanila para tapusin ang gagawin. “Benedict?” sabay-sabay na sabi ng kaibi

