Cindy
Napabuntong hininga ako sa naiisip ko, baka di niya lang type ang mag blower ng buhok ko kase wala siya sa mood.
"Haayystt..." ang gwapo pa naman ng lalaking iyon, tapos mag-iinarte lang! Teka, bakla ba siya?
"Ayy bakla!!!" napasigaw ako sa pagkabigla ko nang maramdaman kong may humawak sa likuran ng shoulder ko.
's**t yung bakla este yung si Kaislr lang pala!'
Napahinga ako nang mabilis ito kaseng Kailr na'to tinakot ako! Bwesit!
"Sinong bakla huh?!" tanong niya na parang nagngingitngit na ang mukha niya. Napaatras ako at napalunok nang maramdaman ko siyang papalapit sa'kin. Mas lumapit pa ang mukha niya sa mukha ko, isang dangkal na lang ang natitirang space sa mukha ko. Halos maduling-duling na akong tiningnan ang mga mata niyang bigla na lang naging isang parang yelong emosyon na kanina pa'y nagngingitngit na parang gustong kumain ng buhay.
"A-ahh w-wala..." parang hangin na lang ang lumabas mula sa bibig ko kaya napakagat labi ako. Nakita kong napatingin siya sa labi ko, nabigla ako kaya umatras ako at saktong makakawala ako mula sa kaniya pero maling aksyon ang ginawa ko. Muntik na akong mahulog dahil sa katangahan ko, naunahan niya akong hawakan sa bewang at muling nagtama ang mga paningin namin kasama nang biglang paglapit ng mukha namin na animo isang magnet na biglang na-attract. Isang maling galaw na lang at maglalapat ang labi namin.
"Kaislr... P-pwede bang d-dumistansya ka mu--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang lumayo siya at napasinghap at napahilamos sa sarili.
"I am sorry for doing these to you. I made you scared, well I am really sorry." sabi niya at tumingin sa'kin, bakit parang may pandidiri yung mga emosyon niya.
'Eh bahala na nga!'
"It's okay, I am sorry--" di niya ko pinatapos nang umalis na siya, psshh bwesit!
'Nagsorry na nga san eh! Pinairal pa ang pambe-bwesit!'
Kai
Lumabas na ako at namulsa, teka wala akong nakapang cell phone sa bulsa ko. Baka naiwan ko, mabalikan nga!
'Hayysstt nakakatamad magpabalik-balik ng destinasyon!'
Pagkapasok ko sa silid niya, namayani ang katahimikan. Nakatunganga lamang siya habang nakatingin sa salamin.
'Ano kayang trip ng bruhang 'to?!'
Habang papalakad ako papalapit sa kaniya, nakita ko mula sa salamin ang sakit mula sa kaniyang mga mata. Iyong tipong kulang na lang paiyakin para mawasak na.
'Hahahahaha, marupok kasi!'
Psshh! Bwesit na isip ka!
Papalapit na ako sa kaniya nang lumapat ang kamay ko sa likod niya at napalaki ang mata ko nang bigla niya na lang akong tinawag na bakla.
'Baka nahuli na niya ako! Patay ka talaga sa'kin!'
"Ayy bakla!!!" nabigla niyang sigaw, napahinga siya nang mabilis dahil sa nakakatakot kung presensya kuno.
"Sinong bakla huh?!" tanong ko habang nagngingitngit na ang aking mga mata dahil sa pagtawag niya sa'kin nang ganon na hindi naman talaga siya sigurado kung totoo o hindi. Habang nagngingitngit ang mga mata ko, siya naman ay parang ewan na walang magawa kundi ang umatras. At ako naman itong parang ewan eh nasundan ko pang yumapak mapunta lang nang malapitan para makipaglaban ng titigan sa kaniya.
"A-ahh w-wala..." sabi niya ngunit hangin na lamang ang lumabas mula sa bibig niya.