Nagmamadaling pumunta ng dressing room si Margaux at ang kanyang sekretaryang si Beth. Nakapanlulumo ang kanilang naabutan. Napunit ang isang gown na collection niya na dapat kasali sa e rampa sa runway. Mariing napapikit si Margaux at hinilot ang kanyang sentido. "Ma'am Margaux, l'm really sorry ma'am. Hindi ko ginampanan ng maayo ang trabaho ko. Hindi ko talaga alam kung sino ang may gawa niyan. Pagdating ko kanina dumiritso kaagad ako rito ngunit 'yan na kaagad ang naabutan ko," paliwang ni Beth sa kanya. Huminga siya ng malalim pilit na pinakamalma ang sarili. Kahit hindi naman talaga okay siya kanina ay pinipilit pa rin niyang labanan si Stella. Hindi niya nais makita ng babae na mahina siya. Gusto niyang ipamukha rito na hindi siya ang dating Marga na basta na lang apak-apakan. "

