Alas siyete pa lamang ng umaga ay naghanda na siya patungong office. Unang araw niya bilang CEO sa kompanya na dating pinamahalaan ni Miguel. Kailangan pa niyang maglinis ng opisina at palitan pa ang ibang mga bagay na nakalagay. Ayaw niyang may isang bagay na pag-aari ni Miguel ang matira. Isa at kalahating oras ang itinakbo ng kanyang sasakyan bago nakarating sa kompanya. Hindi muna niya tinutukan ang S and L. Clothing Line. Si Ricardo muna ang pinakiusapan niyang mamahala sa kanilang kompanya dahil kapag tuluyan na niyang maagaw ang kompanyang matagal ng pinaghihirapan ng kanyang dating asawa ay magpapalit sila ni Ricardo. Ngunit hindi naman niya ito tuluyang ipaubaya sa binata ang responsibilidad niya sa kanilang Kompanya. "Where here sweetie," saad ni Ricardo sa kanya. Kaso tila wa

