“Wala akong nakitang problema sa mga laboratory test at check-ups na ginawa ko sayo. Magandang balita na healthy ang buong pangangatawan mo,” saad ni Axel Vince na ngayon ay doktor na doktor ang dating dahil nakasuot ito ng puting kasuotan na pang-doktor na tinatakpan ang suot nito sa loob na short-sleeve polo na kulay blue na bukas pa ang first two buttons saka naka- tuck-in sa kanyang suot na semi-fit white pants at may hawak na isang metal frame kung saan may nakalagay na papel doon at nakasaad ang mga resulta ng ginawang laboratory test at check-up kay Dominic. Masasabi ni Dominic na gwapong doktor si Axel at sa tingin nga niya ay marami ding pasyente ang nagkakaroon ng crush sa binata. Nasa loob sila ng opisina ni Axel na na matatagpuan sa loob ng malaking ospital na pagmamay-ari di

