Kinabukasan na ang prom night kaya naman ang lahat ay abalang-abala na. Wala na ring klase ngayong araw kaya naman ang mga estudyante ay kanya-kanyang tambay na lamang sa kahit saan mang parte ng eskwelahan at pinag-uusapan ang mangyayaring prom bukas. Pinag-uusapan ang mga susuotin at nage-express nang pagka-excite sa mangyayaring okasyon. “Hooo! Excited na ako para sa prom bukas,” nae-excite na wika ni Angelo kay Dominic. Nasa rooftop ng eskwelahan sila Angelo at Dominic, ang paborito nilang tambayan palagi kapag walang klase o ‘di kaya ay kapag breaktime nila. Napangiti naman si Dominic sa sinabi ni Angelo. “Halata nga sayo na excited na excited ka,” nangingiting sabi nito. Natawa naman si Angelo. “Excited na rin akong makita mo ang itsura ko para bukas. Siguradong-sigurado ako na s

