NATHAN POV Andito ako ngayon sa coffeeshop, magpapalipas ng inis. Sa sobrang pikon ko kay Lorraine, hindi ko talaga napigilan ang aking sarili na magsalita ng gano'n kay Lorraine. Sa loob ng apat na taon ng relasyon naming dalawa, tiniis ko ang pagiging selosa niya. Kaso ngayon, wala na siya sa lugar magselos. Alam ko nasaktan siya sa mga nasabi ko kanina. Dahil naiwan ko siyang tulala kanina, kasabay ng mga luhang pumatak mula sa kaniyang mga mapupungay na mata. Susuyuin ko rin siya mamaya. Ang gusto ko lang ngayo'y ma-realized niya ang mali niya. Habang umiinom ako ng kape ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at tiningnan ko kung sino ang tumatawag. "Babe calling," mga salitang nakita ko sa screen ng cell phone ko. Nag-isip muna ako kung sasagutin ko ba ang t

