LORRAINE POV Sa daming hirap kong pinagdaanan kay Francis, ay nagawa ko pa rin siyang patawarin. Nakakatuwang pagmasdan ang magpinsan nina Nathan at Francis. Dahil ngayon ko lamang silang nakitang magkasundo. Habang pinagmamasdan ko sila ay lumapit sa akin ang aking ina. "Anak, natutuwa ako para sa 'yo. Dahil nagawa mong magpatawad. Pagkatapos ng lahat nang hirap at sakit mong pinagdaanan, sa piling ni Francis," seryosong sabi niya. Tumango ako at ngumiti. "Ma, kung ang Diyos nga, nagpapatawad. Ako pa kaya ang hindi. Isa pa, mas masarap mabuhay ng walang kagalit," tugon ko. Huminga muna si mama nang malalim. "Anak, sana si Lavinia, ay nagawa na ring magbago. Katulad ng kapatid niya." Sabay ngiti niya sa akin. Ngumiti na lamang ako nang pilit sa kanya. Simula nang makaligtas ako sa bi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


