LORRAINE POV Sa daming masasamang nangyari sa buhay ko sa piling ni Francis. Marami akong natutunan sa buhay. Naging matapang akong harapin lahat ng pagsubok sa aming mag-ina. Samantalang ngayon, ay hindi ako makapaniwala na bumalik na si Nathan para sa aming mag-ina. Napakasaya ko ngayon, dahil nakaramdam akong muli nang kapanatagan, dahil kay Nathan, ang lalaking pinapangarap kong makasama sa buhay. Mas lalo siyang naging g'wapo ngayon. At ang kanyang pangangatawan, mas lalong gumanda ang hugis, halatang alagang alaga. Kahit pala nasa malayo siya ay binantayan pa rin niya kaming mag-ina. Sa tulong ng mga kaibigan niya ay nagawa niyang bawiin ang lahat a ng mga kabuhayan namin. Nakahinga na rin ako ng maluwag, dahil naging successful ang operasyon ng aming anak na si Nate. At naka

