ABBY'S POV Nang tumawag sa akin kanina si Lorraine ang ina ng inaanak ko ay may naramdaman akong awa para sa kanya. Wala rin akong— ganoong kalaking halaga, para matulungan siya. Iisang tao lamang ang pwede kong lapitan. At siya rin ang p'wedeng magbalita kay Papa Nathan tungkol sa nangyari sa anak nila ni Lorraine. Walang iba kung 'di si Charles, ang lalaking nag-iwan sa akin ng matinding sugar sa puso ko. Napabuntong hininga ako. Dahil isinumpa ko na sa aking sarili, na hindi ko na muli siyang kakausapin. Pero para sa inaanak ko at sa kaligtasan niya, ay gagawin kong bakliin ang sumpang aking binitawan. Kinuha ko ang cellphone ko at Hindi na ako nagdalawang isip na tawagan si Charles. Nag-dialled ako ng number 091******** agad naman itong sinagot sa kabilang linya. "Hello, Abby,

