NATHAN POV Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ni Tito Julio ngayon. Malaya na kami ni Lorraine, para ipakita sa tao ang tunay naming relasyon. Sa lahat ng regalong natanggap ko, ang basbas ni Tito Julio ang pinakainaasam ko sa lahat. Dahil magagawa ko na ring ipakilala sa lahat na girlfriend si Lorraine. Papatunayan ko kay Tito Julio na hindi siya nagkamali na ibigay sa akin ang kan'yang nag-iisang anak. Lumalalim na ang gabi at malapit nang matapos ang party. Nakapag eighteenth candle na Lorraine. Pati na rin ang eighteenth wishes at eighteenth gifts. Ngayon naman ay eighteenth roses, kung saan isasayaw namin si Lorraine. At siyempre ako ang pinaka-last sa lahat na magsasayaw kay Lorraine. Ngunit hindi kumpleto ang eighteenth roses dahil wala ang kaibigan kong si Charles. Nag

