Nineteen

1558 Words
WALANG NAKAKAALAM NA MINSAN nang sinubukan ni Jessie na tawirin ang pagkakaibigan nila ni Sergi. Tag-araw iyon sa isang parte sa Bicol kung saan pinatuloy sila ni Emerald. Abala ang nobya ni Sergi sa paglilinis ng buong kabahayan para sa handaan ng family reunion nila, habang nagluluto naman ang mga magulang nito.  Wala siyang ginagawa noon. Hindi niya matiis ang walang ginagawa kaya naman nagpaalam siya na tutunguhin niya ang isa sa mga rental cabins; iyon ang isa lamang sa mga hanap-buhay nila Emerald. Binilinan siya na sabihin niya lang sa taga-bantay na kilala niya ang pamilyang nagmamay-ari ng rentals para hindi siya pagbayarin. Itatawag din ni Emerald ang pagdating niya para tuloy-tuloy ang asikaso sa kanya.  Kaya gusto niyang magtungo doon sa ganitong kainit na tanghali ay dahil gusto niyang mapag-isa, bukod doon ay may gusto siyang subukan.  Wala namang bago sa scenery doon. Lahat berde. Napakahangin doon. Minsan umuulan, minsan sobrang init ng tirik ng araw. Sira ang ilang parte ng kalsada, pero karamihan ay aspaltado na. Pumara siya ng padyak at sinabi kung saan siya patungo. Pagdating sa cabin na ibinigay ng taga-bantay sa kanya ay agad niyang binuksan ang bintanang capiz. Tinukod niya ang mga braso sa pasamano at nangalumbaba. Pinuno niya ng hangin ang baga. Nag-ipon lang siya ng sapat na lakas saka niya tinawagan si Sergi. Pinakiusapan niya ito kung pwede siya nitong samahan.  Sa gulat niya ay pumayag naman ang huli. Buti ay nakaya nitong iwan ang girlfriend nito gayong busy ang huli sa paghahanda sa darating na mga bisita. Nag-ayos siya para sa araw na iyon. Nagsuot siya ng asul na bestidang abot hanggang bukong-bukong niya at magka-partner na undies. Inilugay niya ang buhok at naglagay ng bahagyang tint sa magkabilang pisngi. Kinulayan niya rin ang kanyang mga labi. Kuntodo kuskos din siya nang maligo siya kanina. Maliligo na rin sana siya ng pabango kaso naisip niya na mas maganda ang natural na amoy kaya nakontento na lang siya sa dalawang spray. Isa sa leeg; ikinalat niya iyon. Isa sa pulsuhan at ipinagkiskis iyon sa dalawang palapulsuhan. Inayos niya ang kama at doon naupo at naghintay. Naburyong na siya kaya naman ay nahiga muna si Jessie. May dala siyang pocketbook na nirenthan niya sa kapitbahay ni Emerald, inabala ang sarili sa pagbabasa niyon. Pero parang mas inantok siya sa ginawang pagbabasa. Naalala niyang dala niya ang cell phone kaya nagpatugtog siya. Natawa siya dahil puro kundiman ang nakasalang, mga awitin nina Sylvia La Torre, Roger Tagalog, Ric Manrique, at Florante. Nagpa-download kasi ang tatay niya ng mga kantang kinahiligan nito noon. Naisip niya na mag-download din ng para sa kanya. Iyon pala ay nakopya niya ang lahat pati na ang mga kundiman nang i-save niya ang mga kanta sa phone niya. Hinayaan niya ang banayad na musika.  Hindi siya mapakali sa suot na bestida. Nagpunta siya sa paliguan at sinipat ang sarili sa salamin. Sumayaw-sayaw rin siya sa saliw ng tugtugin. Napahinto lang siya nang makarinig ng katok. Inayos niya muna ang buhok at saka pinagbuksan ang nasa labas. Hinatak niya papasok si Sergi at pinaupo ito sa kama. Hindi lang ito umupo. Humiga pa na parang pagod na pagod, nakapikit ang mga mata nito. Pinasadahan niya ito ng tingin. Katulad niya ay makikitang nakabihis din ito ng nalalayo sa mga pormahan nila sa cuidad. Nakabihis ito ng kupas na maong pants at naka-tucked in naman ang puting kamiseta nito sa pantalon. Pinabayaan nitong humaba ang buhok kaya aalun-alon na iyon ngayon.  Tangina. Napakagwapo ni Sergi. Parang dudulas anumang sandali ang panty niya. Pero seryoso, iba ang epekto nito sa kanya nang mapagmasdan niya ito. Malaya niya itong pinapanood dahil nakapikit ang mga mata nito, nasisinagan ng araw ang parte ng kinahihigaan nito. Lumitaw ang kulay tsokolateng buhok nito nang matapatan iyon ng araw. Nagningning naman ang mga labi nitong basa.  Napalunok siya. Oh, Sergi... Nais niyang tabihan ito. Haplusin ang malambot na buhok. Iangat ang puting kamiseta at malayang paglakbayin ang kamay sa matigas nitong dibdib. “Gusto mo ng maiinom?” tanong niya nang mahimasmasan.  Doon niya lamang naisip na wala pala siyang dinala na kahit ano, ni pagkain ay wala. Agad niyang binuksan ang mini-refrigerator sa isang gilid. Kung hindi siya nagkakamali ay kabubukas lang ng kuryente kasabay ng pagdating niya. May isang bote ng tubig na matatagpuan sa loob ng mini ref. Napangiwi na lang siya. “Kalimutan mo nang inalok kita,” aniya at pumihit pabalik ngunit nagulat siya nang sa hamba ng pinto ay naghihintay ang nakahalukipkip na si Sergi. Hindi niya namalayan na sinundan pala siya nito. “What are we doing here?” tanong nito. Makikita ang pilyong ngiti sa mga labi na kahit anong gawin nito ay hindi nito iyon maitago. Humalukipkip din siya at isinandal ang bewang sa pinto ng ref. “You tell me." Sergi chuckled. "Come on, Jessica. Did you want to be with me?" Napipi siya sa narinig. Parang uminit ang buong paligid. "Gusto mo akong makasama?" tukso ni Sergi.  Kahit nanunukso ay napaka-cute pa rin tingnan ng mokong na ito!  "Bakit ikaw," balik niya rito. "Ginusto mo rin na magpunta rito kahit na nga ba sinabi ko lang na samahan mo ako habang abala ang girlfriend mo sa bahay nila," aniya sabay ingos. Lumapit ito at hinapit siya sa bewang.  Nahigit niya ang hininga sa ginawa nito. "S-sergi," she stammered. "What are you doing?" Hoy! Ano ba! Hindi ako ready! Ako ang dapat nanlalandi, plano ko 'to, eh! Hinawakan siya nito sa batok at kinabig.  Putnam ka talaga, Sergio, ang sherep ng strong hands mo. Nyemas ka, Sergio Sanchez! “Bakit ngayon ka lang na-curious sa ‘what if’ natin?” bulong nito. Nagtayuan ang mga balahibo niya nang maglandas ang mainit na hininga nito sa tainga niya. Kunwari ay natawa siya. Pero sa loob-loob ay dinadambol na ng kaba ang dibdib niya. “Sino bang nagsabi sa iyo na iyon ang dahilan kaya kita pinapunta?” nakangising tanong niya. Inilayo siya nito at pinakatitigan. “Hmm.” At muling lumapit at tiningnan siya sa mga mata. “I doubt. Hindi iyon ang nababasa ko sa mga mata mo.” Marahan niyang hinaplos ang mukha nito. “True enough,” bulong niya.  Umungol lang ito at binitiwan na siya. “Why, Jess?” Tumalikod na ito.  Sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa kwarto. “I’m sorry. Bigla kasing dumating si Emerald," nakangusong sabi niya. "Parang nagselos ako na ewan. Nagselos dahil siya lagi ang kasama mo samantala noong wala pa siya sa buhay mo, tayo ang laging lumalabas. Nang dumating na siya sa buhay mo, hindi ako na-itsapwera. Naging side chick na lang ako, third wheel, ako iyong nasa likuran niyo kapag hindi na tayo kasya sa sidewalk. Bakit kasi hindi nila lakihan ang sidewalk, kailangan pang-dalawahang tao lang? Minsan, wala pang sidewalk. Gusto yata tayong ipasagasa sa mga dumaraang kotse,” aniya.  “You’re blabbering again," puna nito. "Maupo ka nga rito nang hindi kita tinitingala riyan.” anito sabay tapik sa tabi nito sa kama.  Sumunod siya.  “And you’re not my side chick. Chicks ka lang, pero kaibigan kita,” si Sergi. “Badtrip,” bulong niya. “So, dehins?” alanganing sabi niya. Tumawa si Sergi. Umiling ito. “Don’t be that girl who falls in love with his male best friend. I only see you as my friend, almost like a little sister.” Aanhin niya ang little sister? “Incest," bulong ulit niya. “Hindi ka ba na-curious?” tanong niya. He sighed. “Nag-explore ako, eh. Nagsimula ako sa mga kauri ko. Well, cringe part na iyon at gusto ko nang kalimutan pero hindi ko naman sinasabing ikinahihiya ko iyon. Wala, eh. Hindi talaga sumagi sa isip ko na… Alam mo ‘yon? No’ng sumubok na ako ng mga babae, hindi dahil pandagdag lang sila sa listahan ng mga failed relationships ko kundi isang araw paggising ko ay nagbago na ang ihip ng hangin, ikaw pa nga ang nagtuturo sa akin kapag may dadaang magandang dilag. Kinukunsinti mo ako mapa-lalake o mapa-babae. I didn’t see you in a different light. I’m sorry, Jess. But I love you still. Friends?” Pinagkiskis niya ang mga palad. “Sayang naman iyong pag-aayos ko para sa iyo,” aniyang may kasamang panghihinayang. Naglandas ang mga mata nito sa suot niya. Tinukso siya nito nang hawakan nito ang laylayan ng bestida niya at itinaas-taas pa ang mga kilay sa nakakalokong paraan.  “Gago,” sabi na lang niya. Humiga ito at itinukod ang kamay sa ulo. “Iyan ba ang plano mo, Jess?” “Ha?” painosenteng tanong niya. “Ito.” Tinampal-tampal nito ang kutson. “Bakit, nagpi-pills ka ba? Paano kung wala palang dalang condoms iyong lalake at mabuntis ka at hindi ka niya panagutan?” “Patingin nga ng wallet mo,” sabi niya. “Sure ka bang wala kang dala?” nanunuksong tanong niya. “Gago,” si Sergi. Inilabas naman nito ang wallet nito at siniyasat iyon. Umiling ito. “Nagamit na namin, eh.”  Sabay silang tumawa. Tinabihan na niya ito sa kama at niyakap ito. Gumanti rin ito ng yakap.  “Friends. I love you,” wika niya. “I love you, too.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD