The bad ass is back

1072 Words
Chapter 15. Namangha siya sa karangyaang nakikita. Maganda ang landscape maging sa loob. Makikita ang mga mamahaling kagamitan na sa tingin niya nagmula pa sa ibang bansa. Lumabas si manang Selma. Bea... ?ikaw nga ba?tanong nito at sinisipat ang itsura niya. Manang Selma?excited niyang sabi. Ikaw nga!anong nangyari sayong bata ka?ginupit mo ang mahaba mong buhok?tanong nito.Ngumiti siya para po sa bagong buhay manang sabi niya at niyakap ito. Tanda pa niya grabe ang sigaw ng mama niya ng gupitin niya ang mahaba at makintab na buhok niya. Ikaw na bata ka oo.Katulad na katulad mo ang alaga ko. Mag-almusal ka muna mamaya pa bababa ang batang yon tukoy nito sa boss niya. Manang sobrang sungit po ba ng anak ni Mr.Montefalco?tanong niya rito. Oo...bulong nito.Pero mabait ang batang yan malayong malayo don sa panganay na anak... Ohh...!tumungo sila sa kusina.Manang pwede po ba akong magtimpla ng kape?tanong niya. Oo naman ikaw talaga hala umupo ka na at ako na ang gagawa. Naku!hindi na po manang ako na po....Presinta niya. Sige na nga sabi nito.Hindi nagtagal humihigop na siya sa kape niya. Hija....andiyan ka na pala.Mula sa likuran niya ay nagsalita si Don Anselmo. Zainne Allistair come here tawag nito sa anak.Naibuga niya ang kape at napaubo ng banggitin nito ang pangalan ng anak. Dinig niya ang mga yabag ng sapatos nito. Kapangalan pa talaga ng hudas na yon ang anak nito.Pilit na niya itong kinakalimutan. Wag naman po sana.Kapangalan lang siguro sabi ng utak niya.Pinunasan niya ang bibig at damit na bahagyang natilamsikan ng kape.Tumigil ang yabag nito sa b****a ng kusina. Nandiyan na pala kayong mag-ama.Doon na kayo sa dining nakahain na ang pagkain wika ni manang Selma. Bea....ayos ka lang?tanong ni Don Anselmo.Unti-unti siyang lumingon. Ngumiti siya sa don at bumati. Good morning po sa inyo Mr.Montefalco sa inyo rin po sir. Napatda siya ng masilayan ang mukha ng anak ni Mr.Montefalco.Salubong ang mga kilay at lukot ang mukhang nakatitig sa kanya. Ilang taon na ba ng umalis ito at hindi na nagpakita pa.Sa dinami-dami ng magiging amo niya bakit ito pa? Mabuti pa siguro magpaalam na siya ng mahinahon sa butihing Don. Hanggang ngayon galit pa rin siya rito sa panlolokong ginawa nito sa kanya.Pero bakit mas lalong ito pa ata ang malaki ang galit sa kanya. Nakipagsukatan siya ng titig dito at walang gustong magpatalo.Ibang-iba na ito sWala na ang matamis na ngiti nito sa mga labi.Sa pagdaan ng ilang taon mas lalo itong gumawapo at aura nito hindi mo gugustuhing banggain. Bagay na bagay dito ang suot na suit. Napukaw lang sila ng tumikhim ang papa nito .Ahem....!siya ang anak ko Bea ang magiging boss mo.Zainne si Bea ang magiging personal driver mo. Bakit nandito ang babaeng yan?malamig na tanong nito sa ama.Hire somebody not her I don't want her.. Anyone but not her. At nakapamulsang tumalikod. Sandali Zainne...pigil ng ama.I trust her. Siya lang ang gusto kong maging driver mo.. Sir....tama po ang anak niyo.Hindi kami pwedeng magsama sa isang lugar at lalo na sa trabaho I'm sorry po pero kailangan ko na pong umalis... Hindi ka aalis hija...At Ikaw baling nito sa anak sa ayaw at sa gusto mo siya ang magiging driver at kasa-kasama mo. Bakit ba ayaw mo sa kanya...magkakilala ba kayo?mayroon bang problema sa pagitan niyong dalawa para ayawan ang isa't-isa?nananantiyang tanong ng matanda. Wala po....mabilis na sagot ni Bea.Ngayon ko lang po nakita ang anak niyo. Marahas itong bumuntonghininga at dere-deretsong lumabas hindi na ito nag-abalang mag-almusal. Bea...pagpasensyahan mo na ang anak ko....pakiusap intindihin mo siya. Tumango siya at kinuha ang susi ng sasakyan at sumunod dito. Katakot-takot na lakas ng loob ang inipon niya para kalmahin ang galit at inis dito. Nasa backseat na ito ng sasakyan at hinihintay siya.Masamang tinginan ang sa pagitan nilang dalawa bago siya pumasok sa driver seat at nagsimulang magmaneho. Naibigay na ng ama nito ang location. Nagpupuyos sa galit si Zainne ng makita ang babae.Ang naging dahilan ng matinding kabiguhan at pasakit sa kanya. Napag-isip niya bakit nga ba siya iiwas dito.Sino ba ito?ipapakita niya sa babaeng ito kung ano ang kayang gawin ng isang tulad niya. You will pay for what you did to me.... Wala silang imikan habang tumatakbo ang kotse.Kung minsan nagsusukatan sila ng matalim na tinginan sa salamin. Tsssk...! you know what.....bilib din ako sa'yo...you managed to run into my father's house and then he hired you as my driver and at the same time computer programmer?what is your agenda behind all this...? Wala akong alam sa pinagsasabi mo...malamig din niyang tugon. Isa pa kung alam ko lang na ikaw ang tinutukoy niyang anak at magiging boss ko hindi ko tatanggapin ang alok niya. Ginagawa ko to dahil sa utang na loob ko sa kanya. Lakas naman ng loob mong sabihing wala kang motibo...napangiti ng mapakla ang binata.Hindi ba't mahilig ka sa mayayamang lalaki....kaya mo ngang ibigay ang katawan at kaluluwa mo para sa pera di ba?!medyo tumaas ang boses nito. Pinagsasabi mo ....?!.huwag mong ibunton sa'kin ang galit mo sa mundo kung hindi natuloy ang kasal mo sa fiance mo!kapal din ng mukha mo pagkatapos mo akong lokohin at paglaruan ikaw pa tong may ganang magalit at husgahan ako?! Pasalamat ito at matibay na ang depensa niya at manhid na sa lahat ng sakit.Masakit man ang ibinabato nitong salita wala na siyang pakialam. Kung wala lang sila sa daan kanina pa niya ito nasapak. Stupid!naiiling na sabi ng binata.Anong kasal ang pinagsasabi nito?kelan pa siya nagpakasal?Hindi ba nito alam na ito ang pinagmumulan ng galit niya sa mundo? Ito pinaglaruan niya?saan nito napulot ang kaisipang iyon.Ito nga ang nakita niyang nakikipagsiping sa pesteng lalaking yon! Fucked!he cursed her at matalim itong tinitigan.Nakataas naman ang kilay nito. How could this woman looking straight into his eyes after what she done five years ago. The reason why he became more cold it put all his anger to the world. Nakarating sila sa kompanya ng ama. A and Z.It is an electronic company at ngayon ang araw na makikilala ng mga empleyado ang bunsong anak ng Chairman. Lumabas ang dalaga at pinagbuksan ito ng pinto. Taas ang noo nito at aroganteng naglakad papasok sa gusali.Yumukod ang mga security personel .Sumunod siya rito. O bakit?huwag mong sabihing susundan mo ako. ..?driver ka lang...matutong kang lumugar walang kangiti-ngiti nitong sabi. She's working in programming..si Mr.Montefalco.Nakasunod na pala ito.Salubong ang kilay na tinitigan ang ama. What....?!You heard it right she's also an employee here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD