Favor

1052 Words
Chapter 13 3years later, Mimi,bili niyo po ako ng ice cream pangungulit ng tatlong taong gulang na si Hendrix sa kanya. Hmmmm...ok anong flavor gusto mo my loves?at ginulo niya ang buhok ng bata. Strawberry po.Napangiti ang saleslady. Cute po ng anak niyo mam wika nito. Ahh....hehe napangiti siya sa sinabi nito.Madalas marami ang nagsasabi ng ganon sa kanila ng bata. Pinaupo niya ang bata sa bench ng mall at nagtipa sa cellphone. Nasan ka na?kanina pa kami naghihintay sa'yo.Gutom na si Hendrix sermon niya kay Alice. On the way na ako sagot nito. Ok bilisan mo.Pagkababa ng cellphone ay may di-inaasahang tao siyang makikita. It was Mikhael.Matagal na ring wala siyang balita sa mga ito. Hi Bea...?it's you!ngumiti ito at lumapit sa kanila.Kumusta ka na?ngumiti naman siya rito. Ok naman kayo?tanong niya. Ito wala pang asawa.. Mimi...sino po siya?boyfriend niyo po?tanong ng inosenteng si Hendrix.Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. My loves hindi kakilala ko lang siya.Nadako ang tingin nito sa bata. Is he your....?ngumiti siya rito.Oh! buti ka pa.... Ha?ano hindi....hehe pano niya ba sasabihin. Siyanga pala yong friend mong si Alice how is she? Ahhh ok naman siya.O pano mauna na kami sa'?yo ha?at kagat-labing hinila ang kamay ni Hendrix. Tumango ito see you sabi nito at naglakad na rin palayo. Lagot siya nito kay Alice.Bakit ba kasi napakatagal ng bruhang yon.May trabaho pa naman siya mamaya. Kailangan niyang kumayod ng triple para matulungan ang mama niya sa mga gastusin lalo na sa therapy ng papa niya. Naaksidente ito tatlong taon na rin ang nakaraan. Makukuha naman sa operasyon pero wala pa silang sapat na pera. Naging subsob siya sa pag-aaral at pagbabanat ng buto.Sa awa ng Diyos nakapagtapos na siya ng kolehiyo. Alice....! antagal mo?lalabas ang boss ko ngayon kailangan ko siyang ipagmaneho. Sorry Bea natraffic lang hinging paumanhin nito. Lumuhod siya para magpantay sila ng mukha ni Hendrix. My loves aalis na si Mimi pakabait ka ha?opo Mimi ingat po kayo.Humalik ito sa pisngi niya ganon din ang ginawa niya. Hehe....parang mag-ina talaga kayo. Tara na anak?Aya ni Alice sa anak. Opo mama. Bye Bea ingat kita na lang tayo.Paalam ng kaibigan. Kanina pa nakamasid sa kung saan si Mikhael gumana nanaman ang pagiging tsismoso niya. Sino sa dalawang babae ang tunay na ina ng bata?tanong niya sa sarili.Kailangan niyang alamin.Tatawagan niya si Gian. Nakarating si Bea sa bahay ng boss niyang si Mr.Cheng.Mabait ito at Isang negosyante. Ito ang nagbigay ng sponsor sa kanyang pag-aaral kaya naman nakapagtapos siya ng kolehiyo.Hindi rin niya kasi kakayanin pag pinagsabay ang gastusin nila sa bahay sa pag-aaral niya.Noong mahire siyang driver nito ay naikwento niyang pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagtratrabaho kaya naman laking tuwa niya ng ibalita nitong may mayamang kaibigan ito na magiging sponsor niya. Gusto niya sananang malaman kung sino ito para mapasalamatan pero ang sabi ni Mr.Cheng ay busy itong tao. Mr.Cheng....tawag niya ng pumasok sa malaking sala ng mga ito. O Bea andiyan ka pala.Si manang Zenaida ang mayordoma ng mga Cheng. Opo may lakad kami ni boss. Oo!may bisita siya ngayon sabi puntahan mo sila sa study room.Nagtataka man ay pumanhik siya sa kinaroroonan ng mga ito. Marahan siyang kumatok. Come in... boses ng boss niya.Pumasok siya at nadatnan ang bisita nito na nakaupo sa sofa. Lumapit siya sa mga ito. Good afternoon po boss,sir.Lumingon ang bisita ni Mr.Cheng.Ngumiti ito sa kanya. Kumusta ka na Bea. Mr.....Mr.Montefalco sir,kayo nga po tuwang sabi niya ng makita ulit ito. Numiti ito. Buti naman naalala mo pa ako hija.Dalawang taon matapos nilang magkita noon sa party ng ama ni Brandon muling nagkrus ang landas nila ng di-sinasadyang makita niya ito sa isang gusali habang inaatake sa puso. Siya ang tumawag ng ambulansiya at nagbantay ng ilang araw sa hospital dahil ang anak nito ay nasa ibang bansa.Samantalang ang isa ay hindi mahagilap. Doon niya rin nakilala ang mayordomang si manang Selma na nakapaglagayan din niya ng loob. Kumusta na po kayo?natutuwang tanong niya rito. Heto hija maayos na utang ko sa'yo ang lahat nakangiting sagot nito. Maupo ka Bea...si Mr.Cheng.May pag-uusapan tayo sabi nito.Umupo siya sa katapat na upuan. Bea....panimula ni Mr.Cheng..kinakabahan siya sa susunod nitong sasabihin parang alam na niya ang kasunod. Ito na ang huling araw na ipagmamaneho mo ako.Kahit may kutob na siya nagulat pa rin siya sa sinabi nito. Po...?!p-pero boss....kailangan ko po ng trabahong ito.... Naalala mo yong taong nag-sponsor sa pag-aaral mo? Opo.... Si Mr.Montefalco...siya ang nag-paaral sa'yo wika ni Mr.Cheng.Lumipad ang tingin niya sa matanda. Oo hija ako nga.Pasensya ka na kung hindi tayo nagkaroon noon ng pagkakataong mag-usap. Bigla siyang napatayo naku po! maraming salamat po sa inyo ng marami sir!Natawa ang mga ito sa kanya. Ang batang to oo.Umupo ka na Bea.Si Mr.Cheng ulit. Hindi ka na magtratrabaho sa akin dahil kay Mr Montefalco ka na magtratrabaho.Napalingong siya sa matanda. Napag-alaman kong kailangan mo ng pera sa pagpapagamot ng papa mo.Huwag kang mag-alala driver ka rin doon pero triple ang sahod mo wika nito.Tumingin siya kay Mr.Cheng tumango ito sa kanya. Pero po kasi.... Kung inaalala mo ako hija wag kang mag-alala may nakuha na akong kapalit mo.Hindi ko lang kasi mahindian ang kumpadre ko.Maiwan ko muna kayo.Si kumpadre na ang magsasabi sa'yo. Wala na siyang nagawa kundi tumango. Kelan po ako magsisimulang maaneho sa inyo?tanong niya. Sa makalawa hija pero hindi ako ang magiging boss mo kundi ang anak ko.Muli siyang tumingin dito.Sino naman kaya sa dalawang anak nito ang ipagmamaneho niya. Uuwi bukas galing ng Germany ang anak ko.Hija....sana magkaroon ka ng mahabang pasensya sa anak ko.May pagkaarogante ang anak kong yon at pasan ang buong mundo.Hindi ko na siya nakitang ngumiti pagkatapos ng limang taong pagtakas sa mundo.May pinagdadaanan lang ang batang yon.. Basta na lang niya iniwan ang babaeng pakakasalan.Matalino ang anak kong yon pero iwan ko ba nagpadala sa galit at hindi muna inalam ang totoong pangyayari....tumingin ito sa kanya ng makahulugan. Hahayaan kong siya ang makatuklas sa totoo. Bakit niyo po sinasabi sa'kin ang lahat?tanong niya. Dahil may tiwala ako sa'yo.... Nahihiwagaan siya sa pinagsasabi ni Mr Montefalco.Kung bakit nito sinasabi ang tungkol sa anak.Driver lang ang magiging trabaho niya dito at labas na siya sa personal life nito. Siya nga nakamove on na sa panloloko sa kanya ng lalaking yon. Ho! teka....bakit ko pa naalala..walang kwenta bulong niya .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD