Chapter 20 Maaga siyang nagtungo sa malaking bahay kinabukasan.Nasalubong niya niya si Manang Selma.
Magandang umaga po manang Selma bati niya sa matanda.
Bea magandang umaga din sagot nito.
M-manang maayos po ba si don Anselmo?tanong niya sa matanda.
Hija maayos naman siya katunayan maagang umalis may bussiness trip ito patungong France.
G-ganon po ba mabuti naman po. Bakit ba balisa ka?halika na at kumain habang tulog pa si Zainne at inakay na siya nito patungong kusina.Nag-aalala siya sa kaligtasan ng don hindi siya mapakali ng makita ang ginawa ng panganay nito ng nagdaang gabi.
Dahil yata sa kape kaya siya nagiging nerbiyosa.Kibit-balikat siya at nagsimulang magtimpla.Buti na lang masarap ang almusal kaya nawala sa isip niya ang ang inaalala.
Pagkatapos kumain ay nagtungo siya sa lababo at hinugasan ang pinagkainan binuksan niya ang music sa cellphone at isinuot ang headset pagkatapos ay kumakanta at sumasayaw siya habang naghuhugas ng pinagkainan.Pagkatapos ay inilagay niya sa lalagyan at naghanda ng lumabas ng magulat siya.
Ay kabayo!seryosong mukha ni Zainne ang nakatitig sa kanya.Kanina pa ba ito sa likuran niya?Hindi man lang niya napansin ang paglapit nito.
Sa susunod huwag kang basta-basta na lang nanggugulat!Nakabihis na ito at siya na lang ang hinihintay. Naiinis na iniwan niya ito lumabas.
A secret smile form on his lips.Sumunod ito sa kanya at tulad pa rin ng dati wala silang kibuan hanggang makarating sa gusaling pagmamay-ari ng pamilya nito.
Hirap siyang sumabay sa damuhong lalaki kaya pinauna na ito.
Hindi ka rin nagmamadali tsssk!
Bea..!tawag ni Hanna.
O Hanna!sabay na tayo.Buti at nakita niya ito. Mukhang kararating din lang nito.
Kumusta naman yong amo nating masungit ganon pa rin ba?Buti natatagalan mo ang ugali niya mahabang pahayag ni Hanna.Kibit-balikat siya.
Kailangan kong magtiis para konti na lang mabubuo ko na ang pampaopera sa papa ko sagot niya.
Sabagay tama ka.
Tsaka kung hindi lang kay chairman ayoko siyang makasama sabi niya.Tumingin ito sa kanya.
Bakit naman?magkakilala na ba kayo dati ng boss natin?tanong nito.
H-hindi!tanggi niya.
Sige tayo na sabado bukas may date kami mamaya ng boyfriend ko kaya excited akong umuwi hehe.
Napangiti siya rito.Naalala niya wala nga palang opisina bukas.Namimiss na niya si Hendrix at Alice.
Mukhang wala ng magagawa ang kaibigan kaya napilitan itong sumama kay Trace kesa ilayo nito sa kanya ang anak.
Kausap niya ang mag-ina kagabi at nakapagdesisyon na ang kaibigan. Naging abala ang lahat sa department nila dahil walang pasok kinabukasan kailangan nilang matapos ang trabaho ngayon.
Bea...tawag ni Mauuren..pasuyo pakidala naman itong mga files sa opisina ni Mr.Montefalco.Nagpeace sign ito.Medyo ilag ang mga kasama sa anak ng chairman nila at sa kanya lagi pinapadala ang mga papeles at files na kailangan nito.
Napangiwi siya at medyo nagkaphobia na sa nakita noon. Isa pa ayaw niya itong makita hangga't maari at kaya niya itong iwasan ay gagawin niya.Traidor kasi ang katawan niya at bumibigay agad sa mga halik nito.
S-s-sige....Pagkabukas ng elevator ay naglakad na siya sa hallway patungo sa opisina nito ng di sinasadyang makabunggo ang babaeng ayaw niyang makita.
Pag minamalas ka nga naman oo bulong niya. Mam,pasensiya na po hindi ko po sinasadya...
You...!turo nito sa kanya.
Po?
Namumukhaan kita...di ba ikaw yong babaeng pinaglaruan dati ng fiance ko?nakakaloko itong ngumiti.Medyo nasaktan siya sa katotohanang sinabi nito pero hindi siya nagpahalata.
Lumayo ka sa kanya!
Teka mawalang galang na mam,ano bang pinagpuputok ng butsi niyo?unang-una hindi ako nagtrabaho dito para mapalapit sa fiance niyo ...kundi dahil sa malaking utang na loob ko sa chairman.
At kung alam ko lang din na siya ang anak ng may-ari nitong kompanya hindi ko nanaising makasama siya rito.Huwag po kayong mag-alala sayong-sayo lang siya.
Aba't! itinaas nito ang kamay para sana sampalin siya ng mabilis niya itong napigilan sa isang kamay.
Pero dahil sa hawak ng isang kamay ang mga files ay hindi niya napaghandaan ang ginawa nito.Itinulak siya nito at babagsak siya sa sahig kung hindi siya naagapan ng mga bisig na sumalo sa kanya.She leaned on his firm body.The scent of one guy she knows. Z-Zainne...gulat si Chloe ng makita ang binata.Nagtatagis ang bagang nitong nakatingin sa kanya.
Leave the files in my office sabi nito at Binitiwan siya.Agad siyang nagpaalam sa mga ito.Bumaling naman ang lalaki sa mga executives na kasama.
We will talked about the project later you may go...tumango ang mga ito at nagsibalik sa kanya-kanyang opisina. Marahas niyang hinila ang kamay ng babae patungo sa kanyang opisina.
Saktong palabas si Bea ng masalubong ang mga ito.Patay-maliya siyang naglakad patungong elevator.
Ano ba Zainne nasasaktan ako!That w***e slapped me gumanti lang ako____Napaupo ito sa sahig.
Shocked written all over her face while holding her beautiful face.He slapped her.All his temper got burst because of this woman.
You want to see the demon on me huh?! I told you to stop pestering me!eversince I told you wala kang mapapala sa akin!tell that to my stupid brother!I know you two are planning something!she's trembling and nodded before get up.
One more thing...leave that woman alone! Now get out!habang nakakapagtimpi pa ako sa'yo!Mabilis itong lumabas ng opisina niya.He is frustrated umupo siya at sinuklay ng mga daliri ang buhok.
Mainit nanaman ang ulo ng lalaki at salubong ang mga kilay ng bumaba sa kotse.Pumasok siya sa loob para ilagay ang susi sa lagayan papahatid na lang siya kay Rex.
Pumasok na ang binata sa kwarto nito.Mukhang uulan pa ata.Madilim ang kalangitan at may kulog at kidlat kailangan na niyang makauwi.Patungo na siya sa pinto ng may magsalita sa likuran niya.
Nakita mo ako kagabi di ba?lumingon siya at nakita si Zandreick.
A-ano pong pinagsasabi niyo?tanong niya.
Alam kong alam mo ang sinasabi ko.Kung ako sa'yo huwag kang makikialam kung ayaw mong mapahamak!Tumingin siya rito at tinatagan ang loob.
Tatay mo siya ...bakit nagagawa mong pagtangkaan ang buhay niya?
Hindi mo alam ang sinasabi mo babae...
P-pasensya na po ..mauna na ako wika niya at naghanda ng umalis ng pigilan siya nito sa braso.
Huwag kang haharang sa daan ko kung ayaw mong pati ikaw ay burahin ko sa mundo naiintindihan mo?!
B-bitiwan mo ako..!
Nagulat siya ng may humatak sa lalaki at bumulagta sa sahig.Ang galit na mukha ng kapatid nito.
P*******a mo!tumayo ito at nakangising pinunasan ang dugo sa labi.
Magagawa mo pa kaya yan sa sandaling.....
Alis...!alis!nagulat siya ng maglabas ng baril si Zainne at itinutok sa kapatid.Nakangisi pa rin itong lumabas ng bahay.Galit itong humarap sa kanya kasabay ng pagkawala ng ilaw.Minamalas ka nga naman at brown out pa. Ikaw....!don't you have any shame?!pati ba naman siya papatulan mo?!kung alam ko lang kung kani-kanino kang lalaki sasama sana noon pa kita inangkin!Wala kang pinagkaiba sa mga bayarang babae!
Sumusobra ka na talaga!nasasaktan na siya sa mga paratang nito na noong una ay binalewala niya.She take the insult anymore.
Pagkatapos siya nitong paglaruan at lokohin ito pa ang may ganang magalit.
She's trembling and her palms close tightly.Alam mo noon ko pa gustong gawin sa yo to....isang malakas na suntok ang pinakawalan niya sa mukha nito.Para yan sa mga insulto at masasakit na salitang sinabi mo sa'kin!sino ka rin ba sa akala mo ha?!ang kap____he pinned her on the wall and kissed her hard.
He punished her by sucking her tongue and bitting her lips.Marahas ang halik na ipinalalasap nito katulad ng mga nauna.Isa na itong halimaw na nabubuhay sa poot at galit.