Alexa's POV "Ahhh..." Mahinhin kong ibinuka ang aking bibig at dahan-dahan namang isinubo sa akin ni Zaiden ang pagkain na nasa kutsara. Kasalukuyan niya kase akong sinusubuan, it's been a week since I've been hospitalized. And up until now, hindi pumayag si Babi na basta-basta na lang ako umuwi. She wanted to check up on me and monitor my health, and I'm so thankful for that, though hindi naman kailangan. Pero para sa ikakapalagay ni Babi at Vix ay pumayag ako. Isang linggong nakalipas, hindi man lang dumalaw si Kaizer. Talaga bang tototohanin niya yung sinabi n'ya? Malalim akong napabuntong hininga dahilan para matigilan si Zaiden at nag-aalalang tumitig sa akin. "What's wrong?" He gently said as he slowly touch my lips. Naramdaman ko na lamang na dahan-dahan at maingat niyang ina

