Alexa's POV "Alexa." Marahan akong lumingon sa aking likuran at kaagad na nakita si Vix. Kasalukuyan kaming nasa gilid ng dalampasigan at naghahantay ng paparating na yate. It's been three days. Tatlong araw magmula ng gabing iyon. Hanggang ngayon ay nanunuot pa rin sa aking isipan ang nangyari noong gabing iyon. Hindi ko maipaliwanag ngunit malaking parte ng pagkatao ko ang nawala. And I'm doing everything to find what I've lost. What I have missed. "The yacht will be here in ten minutes. let's just wait." Muli niyang sambit na nakapagpabalik sa akin sa wisyo. Hindi ako nagabalang sumagot bagkus ay tumango lamang ako sa kaniya. Alam kong nakakahalata na siya sa kinikilos ko, ngunit alam ko rin na hinihintay niya na magsabi ako sa kaniya. Naramdaman kong sinundan niya ng tingin ang

