Ilang minuto rin ang nakalipas ng makarating kami sa mansion nila Kuya Matt. Nakapunta na ako dito dati dahil nga diba magkakaibigan kami? Atsaka dito lang din naman kami madalas na dinadala ni Red dati kapag gusto naming tumambay. "Who are you?" agad naman akong napalingon sa lalaking nagsalita. In all fairness inaamin kog may itsura ang isang to at tila ba may kahawig pero hindi ko mawari kung sino. Nakaharap lang siya sa cellphone niya habang tinatanong yun saakin tsk pake ba niya kung sino ako? Baka kaibigan to ni kuya Matt pero mukhang mas bata eh. Hindi ko na siya sinagot at umupo nalang sa sofa nila ng bigla naman siyang naglakad at umupo rin sa kaharap kong sofa habang nakatingin parin sa cellphone niya. Seriously? baliw ata ang lalaking to at masyadong addict sa cellphone pero

