Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Dahan dahan akong dumilat at mabilis na tumulo ang mga luha ko dahil sa nakikita. Sh*t! sabihin niyo sakin na panaginip lang ito! fvck! Ang mga kaklase ko nakatali sila patiwarik sa itaas ng kwartong ito, ang mga best friend kong lalaki naka tali naman sa parang posteng nandito at bugbog sarado silang lahat. Samantalang sina Zian at Sam naman ay nasa gitna at nakatali ang mga kamay pati narin ang mga paa nila habang naka-tape naman ang mga bibig nila, marami narin silang sugat at punit punit na ang mga damit ang mas hindi ko kinaya ay ang nasa harap ko ngayon si Nathan na nakatali sa isang upuan, walang malay puno ng sugat at halos mahubaran na sa sobrang pagkapunit ng damit niya na sa tingin koy gawa ng isang latigo. Hindi ko mapigilang hind

