Ilang minuto na ang lumipas mula ng maglaban kami at parepareho na kaming punong puno ng galos. "Matibay ka mga talaga, akala ko ay isang pipitsugi lang ang reyna ng organizationg ito na siyang nagtatago sa likod ng position na pinagkaloob sakanya pero ngayon masasabi kong may ikakabuga ka rin pala" mahabang lintaya ni Obasi. Bakit ba ganyan ang tingin nila saakin? Bakit ba masyadong bulag sa kasakiman ang mga pumalit sa dating maaayos at matatapat na mga pinuno ng bawat area? Nabigo ba ako? Nabigo ba ako bilang namumuno sa kanila para protektahan ang mga matatapat at mas karapatdapat na tao sa mga position na ngayon ay napasakamay ng mga taong walang ibang inisip o hinangad kung hindi ang sariling kapakanan, kung hindi ang kapangyarihan at position na upang tapakan ang iba? "Hindi k

