Rance's POV "Bilisan natin" hindi na magkandauga-uga si Roy sa pagtakbo. Takbo lang kami ng takbo ng bigla kaming natigilan dahil sa malakas na pagsabog di kalayuan sa kinatatayuan namin. "Hela / My lady!!!!" Sabay sabay naming sigaw saka mas binilisan pa ang pagtakbo. "Call the ambulance and firefighters right now!!" Utos ni Fablo sa kasama naming tatlong tauhan sa pagpunta kay Hela dahil nagliliyab na ang apoy mula sa ilang mga container sa gitna ng malaking cargo ship container warehouse na ito. "No, no, no Hela please" naluluhang sabi ni Roy habang tumatakbo. Pagdating namin sa gitna ay hindi kami makalapit sa mga container dahil sa apoy nito. 'Hindi namin makita si Hela' sa isip ko habang nagpapalinga-linga sa buong lugar. "Hindi ako basta tutunganga lang dito" sabi ni

