Nasa bahay ako ngayon at ako lang mag-isa nakausap ko na si Dawn at tinanong ang tungkol sa sagot ni Patty at maayos na ang lahat, aalis ako at titigil na sila sa kabaliwhan nila, sa p*******t sa lahat ng mga mahal ko sa buhay. Wala ako ni isang pinagsabihan kahit kahit si daddy at binawi ko narin kay Kuya Matt ang sinabi ko sakanya noong nakaraan para mawala na sa isip nila na aalis ako. Kasalukuyan akong nagliligpit ulit at nilalabas lahat ng maleta at gamit ko ng biglang magbukas ang pinto ng kwarto ko. "Q-queen" narinig kong tawag ng taong kakarating lang, it's Knox. Mabuti nalang at una ko ng naligpit iyong gamit ko pangdisguise. Kaya naman ay hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy lang sa pagliligpit. "S-saan ka pupunta?" nauutal at halatang nag-aalala siya dahil sa tono ng bos

