Punyemas na Jonathan ano ba tong ginagawa mo saakin? Lintik bakit ba ako nagpadala? Ugh! Hindi maganda to. Inayos ko ang sarili ko saka mabilis na naglakad papunta ng Principal’s Office. Pagkarating ko ay dirediretso akong pumasok, hindi na ako nagulat ng makita si Rance dahil hindi sabay ang flight niya kela Sam dahil kailangan pa muna niyang hintayin ang darating na substitute habang wala siya at dahil nakasanayan naman na din niyang di ako kumakatok ay di narin siya nagulat pero tinitigan na niya ako na tila ba may kakaiba saakin. "Why?" seryoso kong tanong sakanya para matago ang kanina lang na ginawa ng bwisit na iyon kanina. “Hind ko alam na agresibo pala ang isang iyon, masyadong seloso” natatawang sabi niya. Tinignan ko naman siya dahil sa sinabi niya. “Shut up” alam ni Rance

