It's been a week after her concert and the day that they confirmed her second pregnancy. Kahit paano ay may idea na siya noon, kailangan lang niya ng kumpirmasyon. Naalala pa niya kung paano siya pagalitan ni Lance noong araw na nalaman nito na buntis siya. Imagine na shock on his face. At ngayon, sobra siyang naiinis dahil sa pagtrato nito sa kanya. Hindi na rin ito gaanong nagpupunta ng ospital dahil mas pinili nito alagaan siya. Sumasaglit lang ito doon kung may importanteng bagay na kailangang ito mismo ang umayos. Naroon din ito kapag may hindi mapahindian na operasyon. Sobra kasi ang pag-aalala nito sa kanya ngayong buntis siya. And she can't blame him. Hirap na hirap siya ngayon sa pagbubuntis niya. Walang araw na hindi siya sumusuka. May mga pagkakataon na napapaiyak na lang siya

