Nang makarating kami sa beach resort ni Kevin, namangha ako sa ganda ng dagat dahil kapansin-pansin ang kalinisan nito. Walang makikitang kahit na ano mang basura na lumulutang doon. Hindi maputi ang buhangin kun'di mapino ito at kulay abo. Nang maiparada na ang van na sinakyan namin kaagad na bumaba kami. Sumunod din sina Brent at Marjorie. Huling bumaba si Enrico sa minamaneho nitong sasakyan. Nagpatiuna naman si Kevin sa amin upang i-guide kami papunta sa cottage na aming gagamitin sa araw na ito kasama ng dalawa niyang tauhan. Magtatanghali na rin nang makarating kami kaya mabilis na inihanda namin ang aming lulutuin para sa tanghalian. Marinated pork at chicken ang inihanda namin para ihawin at sinamahan na rin namin ng hotdog para sa mga bata. Mabuti na lang din at may dumaang na

